
Maricel Soriano and Herbert Bautista teams up in a movie for the first time
by Rommel Placente
Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ni Maricel Soriano dahil muli na naman siyang mapapanood ng mga ito sa wide screen. May gagawing pelikula si Maricel na pagtatambalan nila for the first time ni Quezon City Mayor Herbert Bautista titled “Lumayo Ka Nga Sa Akin” mula sa popular satire book na isinulat ni Bob Ong (ang siya ring manunulat ng isa pang isinapelikula na libro ang “Abnkkbsnplako?”na hatid Viva Films. Gaganap sila rito bilang mag-asawa. Ang tunay na anak naman ng alkalde kay Ms. Tates Gana na si Harvey Bautista ang gaganap bilang kanilang anak. Next week na ang start ng shooting para sa nasabing pelikula.
Did Heart Evangelista really not invite best friend Angelica Panganiban to her Wedding?
Ayon kay Heart Evangelista, hindi raw totoong hindi niya ininvite sa kanyang kasal ang kaibigan niyang si Angelica Panganiban na gaya ng sinabi nito isang interview niya.
Inimbitahan niya raw si Angelica pero ang sabi raw nito sa kanya ay may trip daw ito sa Japan sa araw ng kanyang kasal with her boyfriend John Lloyd Cruz and his family.
So ang sinabi niya na lang daw kay Angelica ay sa Manila reception na lang ito pumunta . Pero may trip daw ulit ito sa Japan with John Lloyd again.Hindi raw niya puwedeng kalimutang imbitahan sa kanyang kasal si Angelica dahil isa raw ito sa itinuturing niyang best friends sa showbiz.
One of these days daw ay gagawa siya ng paraan para magkausap sila ni Angelica.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente