
Maricel Soriano on winning the Ading Fernando Lifetime Achievement Award
Si Diamond Star na si Maricel Soriano ipinagkaloob ngayong taong ito ng Philippine Movie Press Club ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award para sa kanilang 30th PMPC Star Awards For Televison na ginanap nung Sunday, October 23 sa Novotel, Cubao, Q. C.
Ito ay dahil sa malaking achievements niya bilang isang TV star. Although gumawa na siya ng pelikula at the age of 6, na “My Heart Belongs To Daddy” noong 1971 na gumanap siya rito bilang nakababatang kapatid ni Tirso Cruz , mas una pa rin siyang nakilala at sumikat bilang isang TV star nung gawin niya ang unang TV show niya at the age of six, na John en Marsha noong 1973 mula sa RPN 9, na pinagbidahan ng namayapang sina Dolphy at Nida Blanca.
Dito ay gumanap siya bilang si Shirley Puruntong na anak nina John en Marsha. Tumagal ang sitcom ng 17 years na naging dahilan para maging malapit si Maria kina Dolphy at Nida, na itinuring niya na ang mga ito bilang kanyang pangalawang mga magulang. Sumunod na naging show ni Maria sa telebisyon ay ang youth-oriented comedy show na “Kaluskos Musmos” noong 1978 na napanood pa rin sa RPN 9. Gumanap siya rito bilang si Jaclyn Pusit.
Nakasama niya rito sina Maila Gumila, Dandred Belleza at ang ngayon ay Mayor na ng Quezon City na si Herbert Bautista. Pagkatapos ng “Kaluskos Musmos” ay napanood naman si Maricel sa “Kuskos Balungos” na nakasama pa rin niya rito si Maila Gumila. And since then, nagtuloy-tuloy na ang TV career ni Maricel. Ang ilan pa sa naging TV show niya ay ang sitcom na 2 +2 na pinagsamahan nila ng dating boyfriend at karelasyon na si William Martinez plus ang dating mag-asawang sina Dina Bonnevie at Vic Sotto, “Let’s Go Crazy with Jack and Joey”, na pinagbidahan nila ni Joey de Leon, musical variety shows na “Maricel Live” at “Maria Maria”, ang musical special na “Maricel 22 on 2, drama anthology na “The Maricel Drama Special”, Kaya Ni Mister..Kaya ni Misis” na silang dalawa ni Cesar Montano ang pangunahing bida rito, sa role na mag-asawa, “Marry D Potter” na isang comedy/fantasy show, “John en Shirley” na pinagsamahan ulit nila ng daddy Dolphy niya kasama si Ms. Susan Rocess, ang teleseryeng “Vietnam Rose” na gumanap siya rito bilang isang Vietnamese, “Florinda” na isang suspense, hango sa pelikula ni Ms. Susan Rocess, “5 Star Special Presents…Maricel Soriano” na unang show niya sa TV5 at ang huli ay ang “Ang Dalawang Mrs. Real” na gumanap siya rito bilang si Millette na asawa ni Dingdong Dantes.. Ganun karami ang nagawang TV show ni Maria.
Kaya deserving siya sa award na ipinagkaloob sa kanya ng PMPC.
Si Luis Manzano naman ay humakot ng award sa PMPC 30th Star Awards For TV. Tatlo ang trophy na napanalunan niya, ang “Best Male TV host” para sa “ASAP”, “Best Game Show Host” para sa “Kapamilya Deal Or No Deal” at silang tatlo nina Robi Domingo at Kim Chiu ang “Best Talent Search Program Host”. Personal na natanggap ni Luis ang tropy niya dahil isa siya sa hosts sa nasabing event.
Siyempre pa, sobrang nagpapasalamat si Luis sa bumubuo ng PMPC sa tatlong karangalan ipinagkaloob nito sa kanya. Pagdating sa hosting ay talaga namang the best si Luis, kaya deserving talaga siya sa awards na kanyang natanggap. Our congatulation Luis!