
Mariel Rodriguez is happy to be part of ‘Truck ng Bayan’
Kasama si Mariel Rodriguez bilang co-host sa pinakabagong Sunday noontime show na ‘Happy Truck ng Bayan’ na isa na namang ‘first’ sa Philippine TV. Sa unang pagkakataon, masasaksihan ng sambayanan ang isang game and musical variety show sa isang high-tech na truck na magtra-transform sa isang malaki at totoong entablado sa nasabing programa.
Lutang na lutang ka sa pagho-host ng ‘Happy Wife, Happy Life’ kumpara sa iyong mga kasama. Anong masasabi mo sa magiging exposure mo o participation sa show na ito considering na mas marami kayo kumpara sa mga nakaraang game and variety shows mo na nagawa na ‘Wowowillie’ at ‘Wil Time Bigtime’?
“Kahit konti lang kami noon sa ‘Wowowillie’ at ‘Wil Time Bigtime,’ ang main naman talaga roon ay si Willie. Ang job ko lang was to support him at iyon rin ang nakikita ko rito, to support the group,” aniya.
Hindi ka ba bothered na baka magkaroon ng isyung sapawan sa inyo ng mga co-hosts mo dahil bukod sa gamay mo na ang ganitong klaseng show ay napakalakas pa ng dating mo?
“Hindi naman. Siyempre alam ko naman kung sino ang mga main players ng show. Sa kaso ko naman, sanay naman ako sa pagsuporta. We’re here to entertain people and also to enjoy our job and our company,” paliwanag niya. “At sa ganitong klaseng show, mas tinitingnan iyong team effort para madala ang show,” dugtong niya.
Noong kina-conceptualize ba ang pagbabalik ni Willie sa show sa kabilang network, were you not considered sa pagbabalik nito?
“I was invited by Jay Montelibano, iyong talent manager and friend ni Willy. There were talks pero noong nawala na rin siya kay Willy, wala na rin akong narinig. Pero, ako naman, I’m always in good terms with Willie,” deklara niya.
Would you see yourself competing with Willie since meron rin siyang Sunday game and musical variety show?
“Hindi naman. Kasi ang pagkakaalam ko, iba naman iyong timeslot niya and I’m happy for him,” pagwawakas ni Mariel.
Star-studded ang ‘Happy Truck ng Bayan’ na bukod kay Mariel ay kasama ring kukumpleto sa ating mga Linggo ang barkadahan nina Ogie, Janno, Gelli, Derek at Jasmine. Sagot naman nina Tuesday Vargas, Empoy at Kim Idol ang katatawanan at mga kalokohan.
Kilig overload rin ang hatid ng Kilig Barkada na sina Mark Neumann, Shaira Mae, Akihiro Blanco, Vin Abrenica, Sophie Albert at Channel Morales habang nakiki-jam sila kay DJ Tom Taus.
Ang ‘Happy Truck ng Bayan’ ay magpre-premiere sa Hunyo 14 sa ganap na alas-11 ng umaga sa TV5.