May 23, 2025
Mariel Rodriguez says she has no problem with Robin Padilla’s children
Latest Articles T.V.

Mariel Rodriguez says she has no problem with Robin Padilla’s children

Jun 15, 2015

arseni@liao
By Arsenio “Archie” Liao

download (3)Naniniwala si Mariel Rodriguez sa kasabihang “When God shuts a window, He opens a door.”

“It’s common knowledge naman na nagkaroon ako ng miscarriage. Itong show ko na “Happy Wife, Happy Life,” dumating siya noong mga panahong ‘down’ ako. Thankful ako dahil sa show na ito, mabilis akong naka-recover,” kuwento ni Mariel sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Ayon kay Mariel, masasabi niyang perfect ang plot ng show dahil in real life, she personifies a happy wife.

“Ang “Happy Wife, Happy Life” ay isa sa mga favourite shows ko. Ang ganda-ganda niya [referring to the show]. It’s one of the shows that I take pride in being a part of. We have a very good creative and production team na binubusisi talaga ang bawat episode namin,” aniya. “It does not only feature inspiring stories but also extends help to those worthy individuals who are helpful not just to their families but also to their communities,” pahabol niya.

Sabi pa ni Mariel, kung may isang tema na hindi pa natatalakay sa show at gusto niyang i-feature, ito ay tungkol sa organic food.

“I am advocate of anything organic. Mayroon tayong organic restaurants na mahal, meron rin namang reasonable ang prices. At least, may options iyong mga kababayan natin sa iba pang resto na hindi mahal. Maganda rin kasing i-discuss why it’s good to eat organic food, like yung benefits niya and how it helps one to be fit and healthy.”

Tinanong din namin siya kung ano ang sikreto ng isang happy wife and this is what she has to say:

robin-n-mariel“The secret of a happy wife is a good husband. You can’t be a happy wife kung ini-stress out ka at binibigyan ng problema ng husband mo. I’m happy because I have a loving and supportive husband like Robin,” rebelasyon niya.

Mariel also believes that being a housewife is her calling.

“Kapag asawa ka, husband ang palaging nasusunod. One hundred percent ng ginagawa mo iniisip mo agad if it will be okay. Before gawin ko ang isang bagay at the back of my mind, naroon na iyong concern ko kay Robin. Kung okay ba sa kanya o makaka-offend sa kanya? I believe that being a housewife is my calling,” esplika niya.

Tungkol naman sa relasyon niya sa mga anak ni Robin, ayaw isipin ni Mariel na ‘stepmom’ siya ng mga ito bagkus mas gusto niyang ituring siya na parang isang barkada. “Friends ko silang lahat. Ayokong mag-dikta sa kanila kung ano ang dapat gawin dahil meron naman silang moms na gagabay sa kanila. Ayokong maging “epal.” Kung hihingin nila ang advice ko, that’s the time na i-o-offer ko ito sa kanila otherwise kung hindi kailangan, I will not. I’m very happy dahil very harmonious ang relationships ko sa kanila,” paglalahad pa ni Mariel.

Sa isyu namang gagawa ng pelikula ang husband niyang si Robin Padilla with popular Japanese porn star na si Maria Ozawa para sa pelikulang pang-entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF), sinabi ni Mariel na secure siya sa asawa at hindi ito natatakot na matsismis ang action superstar sa dayuhang aktres.

Kasalukuyang nasa Espanya si Robin para i-trace ang roots nilang mga Padilla. Nakatakda ring sumunod si Mariel para bigyan ng suporta ang mister, pero wala raw sa plano nilang bumuo uli ng baby.

“If it happens, it happens in God’s time,” pagwawakas niya.

Mariel Rodriguez2 (mario)

Si Mariel ay mapapanood sa “Happy Wife, Happy Life” kasama sina Danica Sotto-Pingris at LJ Moreno-Alapag. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 10:15 ng umaga sa TV5.

Leave a comment

Leave a Reply