May 23, 2025
Marion Aunor not “Marione” writes her first Tagalog Christmas song
Latest Articles

Marion Aunor not “Marione” writes her first Tagalog Christmas song

Nov 21, 2020

From Marione, balik na pala sa original na Marion Aunor ang screen name ng talented na panganay ni Ms. Lala Aunor.

Kaya nang naka-chat namin ang singer/songwriter thru FB, inalam namin sa kanya ang dahilan nito.

Esplika ni Marion, “Para na rin po hindi confusing para sa mga tao.”

Dagdag pa niya, “Marami din kasing nalilito kung same person yung “Marione” and “Marion Aunor.” So back to original lang po ako.”

Nabanggit ni Marion na kabilang sa pinagkakaabalahan niya lately ay ang pag-upload weekly ng cover videos sa kanyang YouTube channel.

Bakit niya naisipang mag-cover ng mga kanta?

Tugon niya, “Marami po kasing nagre-request sa akin na i-cover ‘yung “Harana” dati, so I tried to post a cover on my Youtube channel and Facebook page. 

Positive naman po ‘yung naging feedback so tinuloy-tuloy ko na po ang pag-post.”

Sino ang pumipili ng songs na ico-cover niya?

“Usually requests siya from friends, family, or fans.

“Favorite kong nai-cover is “Feeling Good.” 

“It’s one of my favorite songs of all time,” aniya pa.  

Ano ang dapat abangang next na covers niya?

“Mag-subscribe at abangan! Hahaha!” 

Nakatawang tugon niya.

May plano ba siyang mag-virtual concert? 

“We’ll see po,” matipid na sagot pa ni Marion.

Inusisa rin namin siya about sa kanyang latest single titled Ngayong Pasko.

“Ang bago ko pong Christmas single is with my friend Toma Cayabyab called Ngayong Pasko. Isa siyang jazz Christmas love song para sa mga taong gustong makasama ang special someone nila during Christmas.”

Nabanggit din sa amin ni Marion na ito ang unang Tagalog Christmas song na kanyang naisulat.

Paano pumasok ang idea about the song? Available na ba ito sa digital platforms?

Lahad niya, “Never ko pa po kasi na-try magsulat ng Filipino Christmas song and gusto ko rin sana maglabas ng isa pang single this year, so I wrote “Ngayong Pasko” since “ber months” na rin.

“Yes, available po siya in all digital platforms and mayroon ding music video and lyric video on Youtube.”

Since loveless daw siya, saan siya humuhugot ng inspirations kapag nagsusulat ng songs?

“Usually po mga experiences ko or ng ibang tao. Then, mga napapanood ko din sa TV/movies.”

Ano ang plano niya sa pagpasok ng 2021?

Sagot ni Marion, “Gumawa pa po ng maraming songs, videos, collaborations, and makabalik din sana sa live gigs once safe na po ulit.”

Leave a comment