
Marion Aunor talks about Wild Dream Records, upcoming concert
ISANG dekada na si Marion Aunor sa mundo ng showbiz at papunta na siya sa kanyang 11th year ngayong taon. Marami na siyang nagawa at napatunayan at patuloy lang siya sa pag-share ng kanyang talento sa madlang pipol.
Sa kasalukuyan, hindi lang sa pagiging singer/songwriter nagpapamalas nang husay ang panaganay ni Ms. Maribel ‘Lala’ Aunor, kundi maging sa ibang field sa showbiz.
Pagbabalik-tanaw ni Marion kanyang journey sa entertainment scene. “I guess 10 years na po ako sa industry, or mag-eleven na this year.
“A lot of unexpected blessings and twists and turns (ang nangyari). From singer-songwriter ay naging music producer din and songwriter ako for other artists, and then actress, film scorer and then record label head ng Wild Dream Records.
“Hindi ko po ine-expect yung path na iyon, pero grateful po ako sa opportunities that I was given within my 10 years sa industry.”

Nagsimula ang career niya sa musika via Himig Handog Pinoy Pop Love Song Writing Competition ng ABS CBN, nang ang sariling komposisyon na If You Ever Change Your Mind ay nakakopo ng 3rd place sa naturang event.
Mula roon ay sunud-sunod ang nagawa niyang kanta, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para sa ibang artists din.
Nagtapos siya sa Ateneo University ng kursong Communication Technology Management. Kinalaunan, nag-aaral muli si Marion sa Berklee College of Music online para sa kanyang Master’s Certificate in Songwriting.
Si Marion ang Co-Founder and Creative Head ng Wild Dream Records at super-busy siya sa pagsuporta at pagtulong sa mga bagong mukha sa larangan ng musika na mga talented at may pangarap na makilala ng madla.
Lately, bukod sa pagiging magaling na singer at prolific songwriter, nakikilala na rin si Marion bilang aktres.
Sa aming pagkakatanda, ang last movie ni Marion ay ang Sarap Mong Patayin bilang si Nirvana. Pinagbidahan ito nina Lassy Marquez at Kit Thompson at mula sa pamamahala ni Direk Darryl Yap.
Sa tantiya rin namin, nakagawa na si Marion ng more or less, six films.
Ang susunod na aabangan sa kanya ay ang pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana called A Glimpse of Forever na tinatampukan nina Jasmine Curtis Smith, Jerome Ponce, at Diego Loyzaga.
Inusisa namin si Marion sa role niya sa movie.
Aniya, “One of the cast members po ako, supporting role as Frida. Kasama po sa movie sila Jasmine Curtis, Jerome Ponce, and Diego Loyzaga. Nagwo-work po yung character ko sa company kung saan magwo-work yung character ni Jerome.
“Iyong movie po may drama, may comedy, and romance,” sambit pa niya ukol sa kanilang pelikula.
Incidentally, congrats kay Marion sa nakopo niyang two nominations sa gaganaping 15th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Namely, Revival Recording of the Year para sa Nosi Balasi from Viva Records and Wild Dream Records at sa Female R&B Artist of the Year for Traydor Na Pag-ibig mula Viva Records.
Ang dalawang kanta ay bahagi ng original soundtrack ng blockbuster movie na Maid In Malacañang ni Direk Darryl Yap na sina Marion at younger sis niyang si Ashley Aunor ang naging Musical Director.
Nabanggit din ng talented na singer/songwriter ang latest single niya.
Lahad ni Marion, “May inilabas po akong bagong single called “Nahulog.”
“May lyric video na rin po at music video ito sa Wild Dream Records Youtube Channel. Featured din po sa music video si Marco Gallo.
“Vintage sounding love song po yung Nahulog. Puwede pong pang-slow dance, pang-wedding or pang-propose yung song. About finding the one or finding the love of your life po ang song,” sambit pa niya.
Plus, may show din sa Valentine’s day mismo si Marion. Ito ay gaganapin sa Viva Cafe, Ground floor ng Cyberpark Tower 1 Araneta City, Quezon City, 8pm.
Makikita ito sa FB post ni Marion, “VALENTINES SHOW PARA SA MGA WALANG KA-VALENTINE, (Pero Kung Meron Ok Lang Din). “Kaya pa-reserve na kayo sa Viva Cafe sa 09158767378, VIP: 1500 with free iced tea or SMB REGULAR: 800 with free iced tea or SMB.”
Guest ni Marion sa kanyang February 14 show ang Wild Dream Records artists na sina Matt Wilson, Minimal Days, at Pecado.