May 25, 2025
Marjorie Barretto on ex husband Dennis Padilla and daughter Julia Barretto
Home Page Slider T.V.

Marjorie Barretto on ex husband Dennis Padilla and daughter Julia Barretto

Sep 8, 2015

roldan@castro

By Roldan Castro

Hindi mapigilan na itanong sa comebacking actress na si Marjorie Barretto ang development sa on-going case ng anak niyang si Julia Barretto versus sa ama nitong si Dennis Padilla.Marjorie Barretto Julia Barretto Dennis Padilla.

Sa mga hindi nakakaalam nag-file last year si Julia ng petition para tanggalin ang apelyido ng ama niyang Baldivia pero nitong huli ay nagsabi rin ang young actress na ida-drop niya ang kaso pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawi-withdraw ang nasabing case.

As much as possible ay ayaw sana ni Marjorie na pag-usapan ito dahil may gag order nga sa kanila.
“So, I’m not really free to talk about this, saka mas maganda if she [her daughter Julia]addresses the question herself, since ayoko namang ma-accuse na nakikiaalam or nag-iimpluwensiya,” bulalas ni Marjorie nang maka-tsikahan siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa presscon ng “My Fair Lady” ng TV 5 na magsisimula sa September 14 sa TV5.

Ayon sa balita, may hearing na naman sa Sept. 18 at na-shock si Marjorie dahil alam ito ng movie press.
“Well, I haven’t attended a hearing yet. I am not aware of the hearing dates, honestly, so I’m surprised (na alam ng press). You know, I wish, “kasi, this is very, personal, no? I wish na hindi masyado siyang ma-cover or mahaluan ng. . . (media), para maging peaceful ang resolution kasi katulad niyan, whatever maganap, dapat hindi mapag-usapan (sa media) kasi nga, there really is a gag order.

“But if we leave her alone or si Dennis, baka maayos nila nang maganda kung hindi nila i-involve masyado ‘yung media. Not only media, ‘yung social media rin.

“Kasi, actually, naging maraming abogado at judge all of a sudden, eh hindi naman talaga nila naiintindihan what the real case is all about. Basta they just pass their judgment, hindi naman nila alam ang totoong istorya talaga. Kami lang naman ang nakakaalam ng totoong kwento, kami talaga, pamilya. But it’s hard to discuss that in public kasi it’s very sensitive,” bulalas pa ng aktres.
Ano ang masasabi niya sa pahayag ni Dennis na kung sakali mang hindi iurong ni Julia talaga ang kaso ay hindi na raw nito pipigilan?

marjorie-barretto-copy“He [Dennis] says something else in public. Iba siya sa personal, iba ‘yung sinasabi niya sa inyong lahat. So, ako, nasasaktan ako para sa mga anak ko. Kung sana, ipakita na lang niya ‘yung totoong ginagawa niya talaga sa mga bata or totoong sinasabi niya sa mga anak ko, the way he says it, maa-appreciate ko, eh. Pero ibang-iba ‘yung sinasabi niya sa press, ibang-iba kung paano niya kausapin ang mga anak ko,” sambit pa ni Marjorie.
May panawagan pa si Marjorie kay Dennis.
“Sana, maalala niya na may gag order, hindi niya dapat mine-mention ang mga dates ng hearing, sana, maayos ‘yung relasyon nilang mag-aama na hindi nasasali ang publiko,” aniya.

Ano ang reaksyon niya na nahuhusgahan si Julia na masamang anak dahil sa isyu sa kanila ni Dennis?
“Alam n’yo, mula nang ipanganak ko si Julia hanggang ngayon, she has lived with me, ako nagpalaki sa kanya. Kung merong taong puwedeng sabihin na masama ang ugali niya, kung merong may karapatan, ako lang ‘yun.

Kung merong isang taong pwedeng magsabi na masama ugali ng anak ko or nagbago na siya dahil sumikat, ako lang ‘yun. Kasi ako ang nakasama niya mula nang ipanganak siya hanggang ngayon. And she is a good daughter, she’s really a good daughter, and that is the farthest from what people say she is,” pakli ni Marjorie.
Tungkol naman sa pagbabalik ni Marjorie sa showbiz after 10 years. Ngayon lang siya ulit aarte sa hit Korean-Rom-Com Series na may Pinoy Twist ng TV5 na “My Fair Lady.”

“Maybe the timing, the offer was at the right time. Malalaki na ‘yung mga bata, settled na ‘yung mga bata, so, pwede nang mag-work for a while. Plus it’s not so heavy, it’s a rom-com, so hindi naman ako masyadong mabibigla kung drama kaagad,” sambit pa niya.
Makakasama niya sa “My Fair Lady” sina Jasmine Curtis-Smith, Luis Alandy, Vin Abrenica, Eddie Gutierrez, Joross Gamboa , Jenny Miller , Chanel Morales,Yayo Aguila, DJ Durano, Katrina Legaspi. Ito ay sa direksyon ni Ricky Rivero.

Leave a comment

Leave a Reply