May 22, 2025
Marjorie defends her daughter Julia
Latest Articles This is it!

Marjorie defends her daughter Julia

Jan 19, 2015

Rommel_Placente

by Rommel Placente

Julia-Marjorie_ADOR-copyIpinagtanggol ni Marjorie Barretto ang anak na si Julia Barretto matapos magpa-interview ng ex live-in partner niyang si Dennis Padilla na sinabi nito na inisnab siya ng anak nilang si Julia nang magkita sila sa Christmas party ng Dreamscape, ang drama unit ni Deo Endrinal sa ABS-CBN 2 nung December 14. At labis daw siyang nasaktan sa ginawang ito ng kanilang anak.

Ayon kay Marjorie, takot daw kasi si Julia kay Dennis pagkatapos daw nitong makatanggap ng masasakit na text messages mula sa ama nung November 14. Kaya nang magkita raw ang dalawa sa Chritmas party ay hindi na nga raw nagawang lapitan ni Julia ang ama. Yun daw talaga ang tunay na dahilan.

Sabi pa ni Marjorie,”There is always two sides of a story. To those who continually judge me and my children, God bless you all.”

Ano naman kaya ang magiging reaksyon ni Dennis sa naging pahayag at pagtatanggol na ito ni Marjorie kay Julia?

 

______________________________________________________________________________________________________

Lovi Poe rejects supporting roles on teleserye?

Lovie poeTotoo kaya itong nakarating sa amin na hindi na raw tumatanggap ng serye si Lovi Poe kung hindi rin lang siya ang bida? Ayaw na raw nito ng mga supporting roles after niyang magbida sa mga teleserye gaya ng huli niyang ginawa sa GMA 7, yung Ang Dalawang Mrs. Real na isa siya sa mga bida rito.

Walang serye ngayon si Lovi sa Kapuso network. Baka may offer naman sa kanya ang Syete pero hindi niya tinanggap dahil hindi siya ang bida ‘di ba? Pero paano kung hindi na siya bigyan ng Syete ng serye kung ganyang ayaw niya nang tumanggap ng supporting roles lang? Siya rin naman ang maapektuhan. Wala na siyang exposure, mawawalan pa rin siya ng kita, di ba? Sa pelikula naman ay madalang naman siyang kunin.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply