May 23, 2025
Mark Lapid and Tanya Garcia wants to have another child
Latest Articles

Mark Lapid and Tanya Garcia wants to have another child

Jun 15, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

download (4)Perfect couple na maitururing sina Mark Lapid at Tanya Garcia. Hindi lahat ng mag-asawang celebrities ay napapanatiling tahimik at masaya ang kanilang pagsasama. Taong 2006 nang maging leading lady ni Mark si Tanya sa pelikulang “Batas Militar.” Ito yung mga panahong maganda ang takbo ng career ng aktres sa GMA kung saan naging bida siya sa mga seryeng “Sana Ay Ikaw Na Nga,” “Ikaw Na Sana,” at “Twin Hearts.”

Ang madalas na kapareha pa nga ni Tanya nung time na iyon ay walang iba kung hindi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Pero maging ang rurok ng karera ni Tanya ay kanyang iniwan ng makilala niya si Mark.

Wala raw instant spark ang una nilang pagkakilala. Pero si Mark, aminadong crush na raw si Tanya noon pa man. Maglilimang taon na silang kasal. Pero wala pa silang church wedding.

“Siguro mga nakailang beses na akong nag-propose sa kanya, mga four times siguro. Hindi pa niya ako sinasagot,” natatawang kuwento ni Mark sa Philippine Showbiz Republic (PSR). Katwiran naman ni Tanya,“Niloloko ko siya.

Sabi ko yung proposal niya gusto ko sa Paris! Okay lang naman sa akin kahit walang church wedding at saka happy naman kami, e. Siguro hindi siya talaga priority for us.”

Dalawa ang kanilang naging anak na pawang babae. And they’re aiming for another child pa raw. “We’re praying and we’re hoping na boy na sana,” ani Mark.

image

Inspiring at makulay ang itinakbo ng political career ni Mark . Sa edad na 16 ay naging SK Chairman siya hanggang naging Barangay Chairman at noong 24 years-old na siya ay naging Governor naman siya ng Pampanga.

Hindi maiwasan na kuwestiyunin ng iba kung ano ang kanyang kuwalipikasyon maliban sa pagiging anak ni Senator Lito Lapid na naging gobernador din ng kanilang lalawigan.

“Malaki ‘yung kailangan mong punuan, di ba? So kailangan mong patunayan lang. Hindi mo kailangang makipag-away. Hindi mo kailangang makipag-argumento. Kasi kung titingnan mo talaga ‘yung accomplishment ng dad ko, talagang mahirap sundan. So you have to prove it. You have to show it to them.”

Ang pagiging public servant ay halos 24 hours. May panahon pa ba siya sa kanyang pamilya?

“As much as possible ‘yung weekend namin, para sa amin hangga’t kaya ko to make them my priority, I reserve my weekends for them [family],” sabi ni Mark.
“We just watch movies,” sabi naman ni Tanya. “We hang out… ganyan. Tapos we eat. ‘Yan, mahilig siya (Mark).”

Sa ngayon, abala si Mark sa Tourism Infrastructure And Enterprise Zone Authority o TIEZA.

“Kami ‘yung PTA (Philippine Tourism Authority) dati. Na-transform kami into TIEZA. Kami ‘yung nagri-regulate ngayon ng mga enterprise zone when it comes to tourism. And then kami rin ‘yung nagpo-provide ng mga facilities at mga tourism information center.”

Si Tanya naman, open pa raw na maging aktibo ulit sa pag-arte.

“Alam ng GMA na I’m on leave now kasi I just got pregnant. But I lost the baby. And anytime naman, I can go back. Pero ini-enjoy ko ang summer with the kids.”

May iba pa ba siyang pinagkakaabalahan aside from being a wife to Mark and a mother to their two kids?

“Well, we just opened up a restaurant. Partners namin ‘yung sister ko, my brother, and my other sister. So iyon, tumutulong ako doon.”

Kagaya ni Tanya, kuntento na raw at masaya si Mark basta tahimik ang buhay nila sa piling ng kanilang mga anak. Pero nagbabalak siyang bumalik sa politika at kumandidatong Senador. Magiging tahimik ba ang buhay nila sakaling mapasok siya sa Senado?

“Hindi ‘yun problema sa amin. Tahimik ‘yung buhay namin. Labas doon ‘yung trabaho namin. Malinaw sa aming dalawa iyon at saka as long as nagkakaintindihan kami, walang magiging problema.”

Leave a comment

Leave a Reply