May 23, 2025
Mark Neumann is dedicated to improve his craft
Faces and Places Latest Articles

Mark Neumann is dedicated to improve his craft

Oct 2, 2015

Ruben Marasigan

by :Ruben Marasigan

thm-m-mark-neumann-portal-artist-thumbMalaking karangalan daw para sa Kapatid star na si Mark Neumann a mapabilang sa mga ginawaran ng German Moreno Youth Achievement Award sa katatapos na 63rd Famas Awards. Kasabay niyang tumanggap ng parangal na ito ang iba pang youngstars mula sa Kapamilya at Kapuso Network.

“I’m really thankful to Kuya Germs na napansin niya ‘yung work ko. What I’ve done so far, ‘yung mga work na ginawa ko for the last few months,” masiglang sabi nga ni Mark sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

“Of course, I’m super happy dahil third award ko na ito. Una ay ‘yung sa Pinoy Pop Awards. The second one was ‘yung sa Global Excellence Awards. And this one nga sa Famas. And feeling ko sunod-sunod na yung suwerte ko. I am blessed kaya masaya talaga ako sa nangyayari ngayon. Of course, dahil sa mga award na ito, mas nai-inspire ako na lalo ko pang gagalingan in the future ‘yung trabaho ko.”

Pagkatapos ng pinagbidahan niyang remake ng Koreanovela’ng ‘Baker King’ sa TV 5, waiting pa raw si Mark sa ngayon ng next acting project niya sa Kapatid Network.
“For now, tuloy pa rin naman yung ‘Happy Truck Ng Bayan.’ So far iyan lang muna ang pinagkakaabalahan ko. Every Sunday po iyon, 11:00 am to 1:00 pm. Feeling ko soon, baka may gagawin akong episode for ‘Wattpad’ at saka for ‘Lola Basyang’ also.”

Bago nag-artista si Mark, he studied travel and tourism back in Germany kung saan nakabase ang kanyang pamilya, he took some regular jobs also.
041514-Mark-Neumann- (1)Taong 2012 nang sumali siya sa talent search ng TV 5 na Artista Academy. Masaya si Mark na umabot siya sa top 3 among male contestants nito kung saan nanalo si Vin Abrenica habang si Sophie Albert naman sa mga babae.
“Thankful ako sa TV 5 sa pagbubukas ng door of opportunities sa akin. At masaya ako na until now na nandiyan pa rin ang tiwala at suporta nila sa akin. In return, I always try to do my best sa bawat trabahong ibinibigay sa akin. I still have to prove a lot of things kaya dapat lang na ayusin ko pagbutihin ang bawat ginagawa ko.”
Baguhan pa lang si Mark bilang artista. Pero napamahal na raw kaagad sa kanya ang propesyong ito.
“The best thing about being an actor is doing the actual work, interacting with your co-actors, and of course I’m happy to bring out emotions to the viewers na minsan nagagalit at minsan din kinikilig. I’d want to let the viewers to experience laughing, to simply smile or to be entertained.”

“I love this job. Iba’t-iba ang ginagawa mo at madaming puwedeng mangyari sa ‘yo sa bawat work that you do. Kahit pa napapasabak ka sa puyatan dahil kung minsan ‘yung trabaho ay hanggang umaga na. Enjoy at masaya pa rin. Gano’n naman talaga if you really love what you’re doing.”

Leave a comment

Leave a Reply