
Mark Neumann is not afraid of Cai Cortez
by Archie Liao

Naging kontrobersyal noon ang malusog na aktres na si Cai Cortez noong mag-guest siya sa podcast show ni DJ Mo Twister na Good Times with Mo (GTWM) kung saan pinangalanan nito ang ilang male celebrities na nagkaroon siya ng sexual relationship, kahit fling lang ito o one-night stand. Inihayag noon ng anak ng character actress na si Rez Cortez na naging sila ni Baron Geisler na minahal din niya for some time.
Naging kontrobersyal din sa pahayag niya na well-endowed daw ang Kapuso hunk actor na si nakatrabaho nito sa pelikulang “Here Comes the Bride”. Ngayon, bida na si Cai sa pelikulang “Ang Taba Ko Kasi” ng prolific director na si Jason Paul Laxamana.

Papel ng isang tabatsinang gustong magpapayat para mapansin ng kanyang makalaglag-panty na swimming instructor na kanyang pantasya ang role ni Cai sa nasabing pelikula. i Mark Neumann mismo ang kanyang leading man na gumaganap na swimming instructor na kanyang pinagpapantasyahan.
Karamihan sa mga eksena ni Mark ay nakahubad ito na nakasuot lamang ng bakat na shorts. Hindi ka ba natatakot na mapasama sa listahan ng mga male celebrities na matsismis na makatsuktsakan ni Cai.
“Hindi naman. In fairness kay Cai, mabait naman siya at napaka-professional.”
Hindi kaya ikumpara ni Cai ang size ng iyong pagkalalake sa mga male celebrities na nakasama na niya?
“Hindi naman, kasi confident naman ako sa sarili ko at hindi naman bastos iyong pelikula dahil it’s actually a fun movie”.

Hindi ka ba natakot na mapasama sa listahan ng mga personalidad na nagka-affair umano sa kanya?
“As I have said, masarap na katrabaho si Cai. Hindi ko alam kong ano ang public perception sa kanya pero so far, trabaho lang talaga. Wala namang kaming malisya”. Posible bang ma-in love ka sa isang babaeng mataba?
“Hindi ko masabi dahil wala pa naman ako sa ganoong stage dahil naka-focused ako sa trabaho ko, pero, in love naman, everything is possible”, aniya.
Bukod kay Cai, kasama rin sa cast ng “Ang Taba Ko Kasi” sina Ryan Yllana , Jay Gonzaga, Bea Vega at marami pang iba. Kalahok sa ikalawang edisyon ng Cine Filipino, na may extended run at mapapanood sa UP Film Institute sa Abril 22. sa kanyang Cine Filipino entry, nasa TV series din na “Ang Mga Hugot ni Ella Feelingera” si Mark kung saan katambal niya si Nicole Estrada.