May 23, 2025
Mark Neumann says there’s no silent feud between him and Vin Abrenica
Latest Articles T.V.

Mark Neumann says there’s no silent feud between him and Vin Abrenica

May 21, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

Itinanggi ng bagong TV5 prince na si Mark Neumann na may silent feud sila ng grand champion at kapwa Artista Academy alumnus na si Vin Abrenica. Nabalita kasing nagtatampo si Vin Abrenica sa TV5 management dahil nauna pang nai-launch bilang title roler si Mark sa “Baker King” considering na finalist lang niya nito sa nasabing artista search ng Kapatid network noon where he emerged as the winner.

mark-neumann

“Regarding the “tampo” issue, malinaw naman iyong tampo niya ay hindi sa akin personally. I saw naman iyong tweet niya. I read everything. May part sa message niya na nakakataba ng puso. He said “I love this guy.” He meant he has nothing against me and wished me well,” pagkukuwento pa ni Mark sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

Ayon pa kay Mark, wala ring katotohanang sinulot niya ang papel ni TakGu sa naturang teleserye kay Vin kahit pa may mga feelers ito na ang much coveted lead role ng “Baker King” ay originally intended for him.

“Wala akong knowledge doon. Even, prior naming gawin ito, wala nga akong ideya na ako ang ika-cast nila rito as “Baker King.” Noong sabihin nga sa akin, hindi agad nag-sink in sa akin dahil hindi ko naman ito in-expect,” paglilinaw niya.

Dagdag pa ni Mark, hindi ang isang TV project ang makakasira sa samahan nila ni Vin na malayo na ang narating since their Artista Academy days.

“We saw each other noong isang araw. He hugged me and said to me that’s he’s happy for me and I deserve the role”, aniya.

Bilang ‘Baker King,’ pinanood ni Mark ang original Korean version nito para magkaroon siya ng ideya kung paano bibigyan ng kakaibang atake ang kanyang role bilang Takgu.

This time around, happy rin siya dahil bukod sa drama may piling action scenes rin siya sa “Baker King.” He’s hoping na ma-incorporate niya at magamit sa kanyang mga action sequences ang kaalaman niya sa “parkour,” isang extreme urban sport na kasama sa discipline at training ang mga obstacle courses like running, climbing, swinging, jumping, rolling, vaulting at iba pang quadrupedal movements na natutuhan niya sa hometown niya sa England.

Ayon pa kay Mark, kung isang tinapay ang buhay niya maikukumpara niya ito sa German roll, na hard on the outside but soft on the inside.

“Ako kasi, marami na rin akong pinagdaanan. May mga nanghuhusga sa akin. Minsan, tumatagos rin iyon. Sometimes, it reflects on me, pero, it doesn’t deter me to keep on going tulad ng character ni Tak Gu”, pagwawakas ni Mark.

Leave a comment

Leave a Reply