May 28, 2025
“Married couples need to have time for each other, even go out on dates without the kids. This is equally important as family bonding. I believe this is our secret in staying together for the past 22 years.” – Gladys Reyes
Economic Impact of Film Festival Latest Articles

“Married couples need to have time for each other, even go out on dates without the kids. This is equally important as family bonding. I believe this is our secret in staying together for the past 22 years.” – Gladys Reyes

Apr 28, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

Gladys Reyes1One of the finest actress at isa sa pinaka-epektibong kontrabida sa showbiz ay ang Kapuso star na si Gladys Reyes. Aside from being a good actress, one good thing about this woman is that she’s able to manage her time as a good wife to Christopher Roxas, a mother to three children, a businesswoman plus being one of the Board member of Movie and Television Review Classification Board (MTRCB). And right now, isa siya sa cast ng pinakabagong primetime show ng GMA 7, ang Let The Love Begin topbilled by the newest Kapuso talent, Philippine Comedy Queen Ai Ai delas Alas and the fast-rising loveteam Ruru Madrid and Gabbi Garcia. She will be playing the role as Katy, the Diva DJ and DJ Jeni’s (Ai Ai) rival in the other station.

Kamusta naman ka-trabaho ang nagbabalik-Kapuso na si Ai Ai?

“Naku, sobrang saya namin sa taping, walang humpay na chikahan ang nangyari sa amin, friends kami, ang sarap lang at magaan ka-trabaho ni Ms. Ai Ai. Ang daldal namin pareho at sa tagal nang hindi namin pagkikita naipon ang mga kuwento namin. I’m so happy na nandito na sa Kapuso ang reyna. Napaka-warm ng pag-accept sa kanya at ipinaramdam sa kanya na literally siya ay isang queen, di ba? Naka-tatak na naman sa kanya yun sa showbiz kahit may sumulpot pang iba at kahit saan naman siya magpunta dala niya na yung korona na yun at wala na siyang dapat pang patunayan pa sa kanyang career,” pahayag ni Gladys nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa presscon ng Let The Love Begin sa GMA 7.

Gladys Reyes 2Dagdag pa ni Gladys,” Dito sa Let the Love, iba’t ibang faces ni Ai Ai ang mapapanood, magda-drama siya, comedy, may love interest at hindi siya nagpatalo sa akin dito.”

Samantala, naitanong din namin kay Gladys ang tungkol sa ‘on-the-rocks marriage’ ng best friend niyang si Donita Rose na kasama niya rin dito sa serye. Inamin na ni Donita na may ‘pinagdaraanan’ nga sila ng kanyang asawa sa kanilang pagsasama. Ano ang ibinigay niyang payo sa kaibigan?

“Wala namang pagsasama ng mag-asawa na perpekto at lahat ay dumadaan sa pagsubok kaya masasabi ko lang sa kaibigan kong si Donita, maaaring part ito ng isa sa pinakamalaking pagsubok sa buhay mag-asawa nila at hindi tayo puwede magsalita ng tapos na, hindi natin puwedeng sabihin na ayoko na, hiwalay na.”

“God-fearing si Donita kaya alam kong kaya niya ang lahat ng ito. Magandang therapy kay Donita itong work, busy siya at nandyan naman ang kanyang anak si JP, na lagi niyang kasama. I’m hoping na maayos ang lahat ng pinagdaraanan ni Ms. D (Donita), I know it will happen in God’s perfect time. I’m always here to support her, ino-open naman niya sa akin ang lahat” sabi pa ni Gladys.

And since tungkol sa marriage na ang napag-usapan, naitanong na rin namin kay Gladys kung ano ba ng sikreto ng long and lasting relationship nila ng kanyang husband na si Christopher?

Gladys Reyes“Like what I’ve said kanina, wala namang perpektong pagsasama, kami rin ng asawa ko ay may pinagdadaanang pagsubok pero ang maganda sa amin pareho kami ng faith. At saka nagbago na rin kasi naman ako dahil dati talagang ang ingay ko, aminado naman ako doon. Kilalang-kilala naman ako ni Christopher, alam niyang maingay lang ako but I’ve changed na.”

“Also, one thing I’ve learned is that not to be complacent sa relationship, iba kasi yung kuntento sa kampante ka, para sa akin makuntento ka sa kung ano ang meron ka sa relasyon, sa mga blessings mo okay na yun. Pero yung maging kampante ka na akala mahal naman ako ng asawa, iba ‘yun. Dapat ay marunong ka talagang magpahalaga sa oras ninyong mag-asawa.”

Dagdag pa ni Gladys, “Dapat may effort talaga palagi pagdating sa asawa, kailangang alagaan ang asawa at dapat ay hindi mawala ang date sa inyo, ‘yung kayong dalawa lang. Dapat talaga mag-reality check kayo. Hindi dapat mawala ang ‘couple time,’ doon ako guilty nga dahil dati talagang sa mga anak ko nabubuhos ang oras ko kaya akala ko okay lang sa asawa ko pero iba pa rin yung couple time. Siyempre iba rin yung family bonding, yung buo kayong pamilya. Kaya by August, may biyahe kaming mag-asawa sa Amerika, kami lang, honeymoon ulit. I think yun lang naman ang sikreto naming mag-asawa. Almost 22 years na kami together ni Christopher, kabilang doon yung boyfriend-girlfriend years at nung mag-asawa na kami, we got married in 2004 kaya plano ko nga in three years time mag-celebrate na kami ng 25 years of togetherness and renewal of vows eh,” pagtatapos ni Gladys.

Leave a comment

Leave a Reply