
Martin announces ‘Ultimate’ concert tickets are sold out; are Martin jokes half-meant on Lani Misalucha
by Roldan Castro
Sold out na ang Valetine’s concert na Ultimate nina Gary Valenciano, Martin Nieverra, Regine Velasquez at Lani Misalucha sa February 14 na gaganapin sa MOA Arena pero ‘yung February 13 ay puwede pang makahabol na bumili.
Kumpleto na ang apat na dumalo sa presscon. Nu’ng unang humarap sila sa press ay wala si Lani dahil nasa Amerika pa.
Naaliw ang Philippine Showbiz Republic (PSR) sa kuwento ni Martin at pagpapakatotoo niya tungkol sa concert sa abroad. Guest niya si Lani Misalucha. Unang kanta ay binigyan ng standing ovation. Sa pangalawang kanta ay standing ovation ulit si Lani sabay sara ng curtain.
Show ‘yun ni Martin pero hindi siya ang naging finale. Hirap na sundan ang standing ovation kay Lani. Ang ending voice over na lang na nagpaalam at nagpasalamat si Martin.
Nagbiro pa si Martin na takot na siya o ayaw na niyang i-guest si Lani sa mga shows niya.
Martin’s personal expression on PNoy’s failure to attend the arrival honors for the SAF 44
Natanong din si Martin kung ano ang payo na maibibigay nila kay Pres. Noynoy Aquino?
Sey niya, dapat nga raw ay tumigil na ang lahat sa pagbibigay ng advice sa ating presidente kung hindi naman daw natin alam ang totoong nangyayari sa political side. Ni hindi nga raw natin alam kung ano ang totoong schedule ng pangulo at kung ano ang talagang dahilan kung bakit hindi ito nakadalo sa arrival honors for the SAF 44.
“We have to trust our government. We, as the people of this country, we have to do our part. Stop bitching, stop asking questions, stop putting the president into the microscope. Unless you’re in the microscope with him, we should stop talking,” deklara ni Martin.
On his views on Kris Aquino’s defense of PNoy
Ano naman ang maibibigay na advice ni Martin Nieverra sa isyung kinasasangkutan ni Kris Aquino sa mga artistang nasangkot sa SAF 44?
Follow me…
Roldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro