May 24, 2025
Martin del Rosario differentiates passionate and torrid kiss
Latest Articles

Martin del Rosario differentiates passionate and torrid kiss

Jan 18, 2019

Pinag-uusapan ang mga kissing scene ng Kapuso actor na si Martin del Rosario kina Kiko Matos at Akihiro Blanco, ang leading men niya sa pelikulang “Born Beautiful,” kung saan ginagampanan niya ang role ni Barbs, ang transgender best friend ni Trisha (Paolo Ballesteros) na pinasikat ni Christian Bables.

Katunayan, ikinumpara niya ang mga eksena ng halikan niya sa dalawang co-actors niya sa pelikula.

“Iyong kasing kay Kiko, torrid siya. Laplapan talaga,” sey niya. “Iyong naman kay Akihiro, iba rin. Iyong kay Akihiro, medyo passionate. Actually, may contrast kasi sa characters nila. Torrid iyong isa at passionate naman iyong isa,” dugtong niya.

Ayaw namang magkomento ni Martin kung kaninong halik siya tinamaan.

“Pag aktor ka kasi at in character, mas concerned ka kung paano mo bibigyan ng atake iyong role mo,” ani Martin.

Pero sa tunay na buhay daw, mas gusto niya ang passionate kiss dahil passionate person siya.

“Pag passionate kasi, pag tender, parang mas ramdam mo iyong pagmamahal,” paliwanag niya.

“Pero in fairness, pareho silang magaling na aktor at game talaga sila,” pahabol niya.

Kumpara rin daw sa Die Beautiful, mas mature ang tema ng Born Beautiful.

“Iyong Die Beautiful, noong napanood ko siya, simple lang siya. Dito, mas mature siya. Iyong kuwento, nakapokus kay Barbs pagkatapos na mamatay ni Trisha, iyong best friend niya. Pagkatapos na mapanood mo iyong movie, mas maiintindihan mo ang mga pinagdaraanan ng mga trans people, iyong journey nila sa paghahanap nila ng happiness,” paliwanag niya.

In a way, nakaka-relate rin daw siya sa sitwasyon at pinagdaanan ng kanyang karakter.

“Nakaka-relate ako kung paano niya hinaharap iyong mga failures niya. Nandoon minsan ang frustration, but at the end of the day, you just have to stand up, learn from your mistakes and go on with your life,” pagtatapos niya.

Mula sa produksyon ng The Idea First Company at Cignal Entertainment, tampok din dito sina Lou Veloso, Chai Fonacier, VJ Mendoza, Gio Gahol at marami pang iba.

 

Leave a comment