May 24, 2025
Martin Escudero not afraid of being typecast in gay roles
Latest Articles

Martin Escudero not afraid of being typecast in gay roles

Feb 17, 2017

Pagkatapos magbida sa pelikulang Zombadings 1: Patayin sa Syokot si Remington, balik sa pagganap sa mga gay role si Martin Escudero.

“Actually, hindi naman ako natatakot na ma-type cast because iyong last movie na ginawa ko  sa Regal na That Thing Called Tanga Na, isa ring gay ang role ko,” aniya.

Dagdag pa niya, enjoy daw naman siya sa paglabas ng gay.

“Ang maganda sa gay, napaglalaruan mo iyong karakter. Masaya siyang gawin,” sey niya.

Sa kanyang pelikulang Lady Fish, kakaiba ang role niya bilang gay.

“Taong-tao kasi iyong character kasi ibinase siya sa tunay na tao. Tinatalakay dito iyong mga nangyayari sa gay people na madalas ma-judge at ma-discriminate. Iba rin siya sa mga gay role na ginagawa ko kasi nagco-comedy ako pero ito may drama siya. At iyong pagiging gay, may resulta siya in a positive way,” tsika niya.

Dugtong pa ni Martin, mas nacha-challenge raw siya sa pagganap ng mga character role.

“Excited ako sa mga character role dahil doon lumalawak iyong kapasidad mo as an actor. Doon mo nadi-diskubre kung ano pa ang puwede mong gawin,” ani Martin.

“Natapos na siya pero may ibinibigay naman sila pero wala pang final na desisyon. Meron siyang Sari-sari Channel pero tinitingnan pa namin iyong offer,” paliwanag niya.

Wala namang pagsisisi si Martin sa TV5 kahit iyong mga kasabayan niyang talents ay nag-over da bakod na sa ABS o GMA.

“Wala namang problema sa akin dahil open naman kasi ako sa ibang options. Puwede naman akong lumabas sa ABS o kahit sa GMA,” paglilinaw niya.

Abala rin si Martin sa iskul.

Katunayan, malapit na siyang matapos sa kanyang kursong HRM.

Inamin din niya na may hilig din siyang magluto at nangangarap ding magkaroon ng kanyang sariling restaurant.

Hindi rin big deal kay Martin kung siya ay magpa-sexy.

“Nasa edad na naman ako. Darating at darating din tayo roon kung may ganoong offer,” sambit niya.

Ang Lady Fish ay tungkol sa pakikibaka ng gay people na kilalanin ang kanilang karapatan sa isang lipunang hindi bukas sa ganoong pagbabago.

martin-and-jc

 

Kasama niya sa pelikula si JC Santos bilang love interest niya.

Kabituin din dito sina Brenda Mage at Ruby Ruiz.

Ito ay sa direksyon ni Jason Orfalas at kalahok sa full-length category ng 2017 Sinag Maynila filmfest na mapapanood na ngayong Marso.

 

Leave a comment