
Mastershowman Kuya Germs now home-based, recovering from mild stroke
By John Fontanilla
Tuloy daw ang planong paglipad papuntang Amerika ng nag-iisang Mastershowman na si Mr. German “Kuya Germs” Moreno na ngayon ay nakauwi na ng kanyang bahay sa San Juan City noong Sabado ng hapon.
Ito iknuwento ng sekretarya ni Kuya Germs na si Tita Chuchie Fajardo ng makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa DZBB 594 last January 21 , 2015.
“Tuloy yung plano na dalhin si Kuya Germs sa Amerika, kasi yun talaga ang gusto ng anak niyang si Freddie (Federico Moreno),
“Para daw mas mabilis maka-recover si Kuya Germs na agree naman ang lahat.
“Kasi sa Amerika wala masyadong iisipin si Kuya Germs tungkol sa TV show niya at radio program, mas makakapag pahinga siya,
“No stress, no pressure pahinga lang talaga.
“Pero nag-suggest si John (John Nite, pamangkin ni Kuya Germs na doctor) na kailangang maka-recover na si Kuya Germs bago bumiyahe pa Amerika.
“Mga 2 to 3 months bago maka-biyahe ,
“Pero yun din naman ang plano ni Freddie at Kuya Germs na sa mahal na araw pagkatapos magsimba sa Manaoag ay didiretso na sila papunta ng Amerika.
“Di ko lang alam kung ganun pa rin ang plano.
“Basta patuloy lang nating ipagdasal si Kuya Germs para mas bumilis pa ang paggaling niya.
“Malay natin di ba, ‘pag mas umige pa ang lagay ni Kuya Germs ay mas mabilis siyang makakabalik sa kanyang trabaho.
“Pero sa ngayon nagpapagaling na lang siya at tuloy tuloy ang kanyang theraphy. ” ani Tita Chuchie.
Follow me…