May 24, 2025
Matet defends Mom Nora Aunor from her detractors: “My mom taught us the right values in life.”
Latest Articles T.V.

Matet defends Mom Nora Aunor from her detractors: “My mom taught us the right values in life.”

Mar 13, 2015

oghie@ignacio
by Oghie Ignacio

l-matet-de-leon-mgip1 Si Matet de Leon ang nagsisilbing tagapagtanggol ni Nora Aunor sa detractors nitong patuloy na naghuhusga sa kanyang pagiging ina ng una pati na ng iba pa niyang mga kapatid na sina Lotlot, Kiko, Kenneth maging ng tunay na anak ng superstar na si Ian. Naging pabaya nga bang ina si Mama Guy na agad namang sinagot sa ni Matet sa PSR ng makaharap siya kamakailan sa press launch ng “InstaDad” na siyang bagong drama series ng GMA 7.

“Nasasabi lang nila ‘yan dahil nga sobrang busy ang Mommy namin,” sey agad ni Matet sa PSR. “ Nakita n’yo kamin lumaki nina Ate Lot, Kuya Ian, Kiko & Kenneth. Hindi kami naging bastos kahit kanino. Dahil Nora Aunor ang Nanay namin o Mommy namin, maipagmamalaki naming isa ‘yon sa itinuro niya na ano… maging magalang at marespeto kami sa tao. So, lumaki kaming may paggalang talaga,” sabi pa niya.

“Sa tingin ny’o ba kung pabayang Mommy siya sa amin lalaki kaming ganito na marunong gumalang sa mga tao? ‘Yun ang bagay na talagang masasabi naming proud kami sa aming Nanay. Hindi man kami madalas na nagkikita at nagkakausap dahil sa sobrang busy niya, and yet, tinuruan niya kami ng values na madadala namin habang buhay. So, huwag nilang masyadong husgahan si Mommy,” hiling pa ni Matet.

Ikinatuwa rin nito na ang nagha-handle ngayon kay Mama Guy ay si Angge na siyang talent manager din niya (Matet) at ng kanyang Ate Lotlot. Kumbaga, nasa iisang mapagpalang kamay silang mag-iina.

“Mukhang suwerte naman si Mommy kay Tita Angge. Kasi, kahahawak palang niya ‘e, may dalang suwerte agad. Sunud-sunod ang awards ni Mommy,” nakangiti pang ‘tsika ng dating supertot sa PSR.

“Naging tulay din siya para magkaharap si Mommy at Kris Aquino na naging maayos naman at nag-volunteer siyang bibigyan ng air fare ang Nanay namin pagpunta niya sa ospital sa Boston para maipaoera na ang kanyang throat dib a?. Kahit pa Vilmanian (malapit kay Vilma Santos) ‘yang si Tita Angge kahit papano may pinagsamahan sila ni Mommy noon kaya walang magiging problema sa trabaho nila as talent & manager relationship,” lahad pa niya.

Kasalukuyang limang buwang buntis si Matet sa kanyang loving husband na si Mickey Estrada. Totoo bang ayaw siyang payagan nitong tanggapin ang “InstaDad” ng Kapuso pero matigas daw ang ulo ng una’t gusto talagang magtrabaho kaya napilitan na rin ang asawang payagan siya.

BcU_w1OCEAAMise

“Nu’ng unang ialok sa akin ‘yung show sabi ko buntis ako. Tumatanggap ba kayo ng buntis?,” tanong niya raw sa taga GMA 7. At nasorpresa siya ng tawagan siyang kasama na nga siya sa “InstaDad” nina Gabby Eigenmann, Ashley Ortega, Gabbi Garcia, Jazz Ocampo, Juancho Trivinio & Prince Villanueva.

“Nang tawagan nila ‘ko natuwa ako okey pala sa kanila kahit buntis ako. Walang naging problema sa amin ng asawa kong si Mickey. Ayaw niya rin kasing ma-board ako. Basta hindi lang daw matagtag ako at wala namang eksenang ikapapahamak sa pagbubuntis ko. I’m so lucky nga na very supportive ang husband ko pagdating sa aking trabaho. Kaya work pa more! Ha!ha!ha!ha!” pabirong sabi pa ni Matet.

Naniniwala pa ba itong si Matet na kailangan pa ng kanyang Mommy ang paghahakot ng awards kahit pa wala na itong dapat na patunayan sa mamamayang Pilipino lalo na sa kanyang fans na sa loob ng mahigit apat na dekadang pamamayagpag bilang superstar ng bansa’y hindi pa rin bumibitiw at naghahanap ng ibang iidolohing artista na mas bata sa kanya.

“Du’n ako bilib sa fans ng Mommy namin. Nakakalokah! Hanggang ngayon solid sila. Pagdating naman sa awards, I think hindi na niya kailangan ‘yan. Sa dami na ng napatunayan niya rito sa industriya. Kaya lang ano magagawa natin kung may mga nagbibigay pa rin at dumarating na awards,” katuwiran niya.

“Actually, one time pinapupunasan ko ‘yung tropies ni Mommy sa mga anak naming ni Mickey. Sabi nila sa amin, saan pa natin ilalagay ito Mommy & Daddy ang dami-dami na wala na tayong paglalagyan,” kuwento sa PSR ni Matet.

Nadagdagan pa ngayon ng panalo ni Nora sa “Gawad Tanglaw”, Gawad Pasado” at “PMPC Star Awards” na maaring masundan pa ng iba. Anyway, kaabang-abang daw ang role ni Matet sa “InstaDaD” ng GMA 7 bilang mapagprotektang tiyahin ng mga young actresses na kasama sa palabas.

11035303_725857950853428_5212125555643932972_n

Follow me

facebook-iconoghie.ignacio

Leave a comment

Leave a Reply