May 23, 2025
Matteo Guidicelli declares: “I want Sarah to be my last girlfriend.”
Faces and Places Home Page Slider Latest Articles

Matteo Guidicelli declares: “I want Sarah to be my last girlfriend.”

Dec 14, 2015

by PSR News Bureau

matteoKung gugustuhin lang ni Matteo Guidicelli, maaari na siyang mag-asawa. Mayroon na rin namang naiupundar sa sarili niya ang binatang ito. Bukod pa sa galing siya sa may kayang pamilya. Sino man ang piliin niyang makasama habang-buhay ay siguradong hindi na magdarahop kailanman. Siya nga ang poster boy para sa tipo ng lalaki na gugustuhin nino mang babae na ipakilala at iuwi sa kanyang mga magulang.

Sa edad na 25, aminado ang binata na pinag-iisipan na rin niya ang lumagay sa tahimik bago siya tumuntong ng 30. Gusto kasi ni Matteo na magkaroon siya ng sapat na panahon para sa kanyang magiging pamilya at mga anak. “I have always wanted to start a family at a young age to be able to enjoy my own kids,” pagdedeklara pa nito.

“Hopefully, gusto ko sanang si Sarah [Geronimo] na yung magiging last girlfriend ko. Sana. Tingnan natin.

Hindi naman itinanggi ni Matteo na napag-uusapan na rin naman nila ni Sarah ang tungkol sa pagpapakasal pero sabi nito sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), “Small talks lang, nothing serious yet. Marami pa rin kasi kaming gustong gawin at ma-accomplish as individuals.”

matteo 2Inamin rin ni Matteo na malaki na ang ipinagbago ni Sarah. “She’s 27 so she’s become independent na rin naman. I guess it comes with age. She’s also more matured and I’m happy for her.

Getting stronger each and everyday daw ang kanilang relasyon ng Pop Star Princess. “Ganoon naman talaga eh, when you’re in a relationship, you will always give it your all. Sa kaso namin, may hurdles but we try our best to overcome them in the best way we can.”

Leave a comment

Leave a Reply