
Matteo Guidicelli stages first solo concert via ‘MG1’ at the Music Museum
By: PSR News Bureau
Excited na si Matteo Guidicelli sa nalalapit nitong solo concert na pinamagatang ‘MG1’ na gaganapin sa Music Museum nitong darating na November 28. Bagamat nakapagtanghal na si Matteo sa Music Museum sa isang concert dati bilang miyembro ng grupong ‘Dreamboys,’ ito ang kanyang magiging kauna-unahang concert kung saan maituturing niya na talagang kanya.
Nang matanong ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) kung makakarating ba at manonood ang kanyang lady love at girlfriend na si Sarah Geronimo sa naturang concert, hindi na kami nabigla sa isinagot ng binata: “Gaya po ng palagi kong sinasabi, hangga’t maaari po’y iniiwasan kong isali sa Sarah sa usapan dahil hindi naman po siya bahagi ng concert ko. As much as I can, I’d want to keep my privacy po. Of course, I’d love to have her watch my show sana. But if it’s not possible, I understand since she also has an upcoming concert of her own and alam ko rin kung gaano siya ka-busy,” paliwanag ni Matteo.
Hindi man dumating si Sarah sa kanyang concert, magiging special guest naman ni Matteo sa naturang concert niya ang kamukha nito na si Morisette Amon, ang artist na produkto rin ng The Voice of the Philippines Season 1. Marami ang nakakapansin na malaki ang pagkakahawig ni Sarah kay Morisette. Pero mabilis naman na sinegundahan ito ni Matteo, “Pero kahit may similarities sila physically, malaki naman ang pagkakaiba nila pagdating sa tipo ng music at vocal range. May kanya-kanya silang angking galing at talent.”
Bukod kay Morisette Amon, magiging special guest din ni Matteo sa gabi ng kanyang solo concert ang nag-iisang Concert King na si Martin Nievera. Hindi ba siya kinakabahan na makakasama niya si Martin on stage na kilala bilang isang magaling na beteranong mangaawit?
“Of course, I’m so grateful that he had agreed to be a part of the show. Yun pa lang, sobrang nagpapasalamat na ako. Medyo may kaba rin ako, lalo na kasi solo concert ko na talaga ito. Pero nag-prepare naman ako ng todo. Kaya kahit kinakabahan, mas lamang pa rin yung excitement sa puso ko. I’d want to make this night an enjoyable one for all the fans and those who will be coming to watch the show. I’ll make sure na they’d be getting what they’ve paid for,” pangako pa ni Matteo na patuloy pa ring napapanood sa Cinemaone Original na ‘Single, Single’ kasama ni Shaina Magdayao tuwing Sabado.