
Matteo proud of Sarah’s growing independence
Malaking impluwensiya si Matteo Guidicelli sa mga pagbabago sa buhay ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
Mula kasi nang maging mag-on sila ng singer-actress, kakaiba na ang naging aura nito, naging mas mature ang disposition at unti-unting naging independent.
Dati-rati kasi ay bantay-sarado si Sarah ng kanyang Mommy Divine.
“Sarah is her own person naman. Siya lang iyon. She’s already 28. May mga bagay lang siyang nadidiskubre sa sarili niya at ginagawa lang niya iyong mga bagay na gusto niyang gawin,” paliwanag niya.
Happy din si Matteo dahil nagkakasundo sila ni Sarah sa mga interes nito.
“Masaya ako kasi suportado namin ang isa’t-isa. Magkapareho rin kami ng interes like hiking, trekking. She’s starting to be an independent woman. I’m very happy for her and I support her in whatever she does to grow as a person,” sey niya.
Sa 360 degree turn ng personalidad ni Sarah, hindi rin tutol si Matteo kung tumanggap ito ng more mature roles sa kanyang mga proyekto.
Hindi rin isyu sa kanya kung pumayag na makipagkissing scene ito sa kanyang leading man sa pelikula bilang bahagi ng kanyang pagiging independent.
Never pa kasing pumayag si Sarah na makipaghalikan sa pelikula man o telebisyon.
“Desisyon niya iyon. Okay lang sa akin. Part naman iyon ng trabaho basta alam lang niya ang kanyang limitations,” ani Matteo.
Hindi rin ikinaila ni Matteo na kinukunsulta siya minsan ni Sarah pagdating sa mga career decisions sa buhay.
“Nagkukunsulta siya pero kami naman , our relationship is founded on trust and respect,” pahayag niya.
Bida si Matteo sa pelikulang “Across the Crescent Moon” kung saan ginagampanan niya ang role ni Abbas, isang Moslem Special Action Force (SAF) exemplary officer na kasal sa isang Kristiyano. Sa kanyang pagtupad sa kanyang tungkulin, maaatasan siyang imbestigahan ang isang human trafficking syndicate kung saan masusubok ang kanyang pagmamahal sa tungkulin, sa pamilya at sa kanyang pananampalataya.
Bilang paghahanda sa kanyang role, nag-training si Matteo sa Hollywood based stunt director na si Tim Waid at sa fitness expert na si Snooky Cruz.
“Nag-train ako for months ng Kali, it’s a Pinoy form of martial arts, sa tactical handgun, knives at sa combat. We even partnered with the PNP and learned their tactics,” bida niya. “Doon naman sa mga scenes in Tawi-tawi, we have Muslim consultants. They taught us how Muslims pray, how they greet and respect each other . We even learned their dialect, kasi ganoon kadetalyado iyong script ng director naming,” dugtong niya.
Dream come true rin kay Matteo na makatrabaho ang Drama King na si Christopher de Leon.
“He’s my idol at paminsan-minsan hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-starstruck. I consider it as a blessing na makatrabaho siya,” aniya.
Hindi rin big deal kay Matteo (at maging kay Sarah) ang love scene nila ng kanyang dating ex na si Alex Godinez who plays his wife in the movie.
“I respect my girlfriend and I told her naman from the beginning that I have this leading lady who happened to be my ex, and she was okay naman with it,” paglilinaw niya.
Dasal ni Matteo na sa pamamagitan ng pelikula ay mapagbuklod ang mga Muslim at mga Kristiyano at matigil na ang digmaan sa Kamindanawan.
“Hopefully, with this movie, mabago iyong notion natin sa mga Muslim na ‘bad’. Christian or Muslim, we are just one nation, one family and the key to lasting peace is respect for one another,” pagwawakas niya.
Ang “Across the Crescent Moon” ay idinirehe ng magaling at award-winning screenwriter turned director na si Baby Nebrida.
Tampok din sa powerhouse cast sina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, Sandy Andolong, Alex Godinez, Joem Bascon, Ivan Carapiet, Jerico Estregan, Leo Martinez, Rez Cortez, Jacqui Aquino, Garie Concepcion, Jerene Tan, Mariel de Leon, Ku Aquino at marami pang iba.
Ito ay palabas na sa mga sinehan simula sa Enero 25, ang ikalawang taong anibersaryo ng kabayanihan ng SAF 44 sa makasaysayang Mamasapano incident.