May 22, 2025
Matteo on his status with Sarah: We are both busy with work
Latest Articles

Matteo on his status with Sarah: We are both busy with work

May 2, 2018

Kahit committed sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo, feeling ni Matteo Guidicelli na wala namang malaking pagbabago ang buhay niya noon at ngayon.

“Wala namang pagbabago. We are both busy with work. It’s always the same for a couple of years now,” aniya.

Gayunpaman, hindi niya naman ikinailang nag-mature na siya.

“Siyempre, nandoon iyong dreams, iyong goals, iyong partnership. You should achieve what you want to achieve. Both parties should be happy for one another,” hirit niya.

Enjoy pa rin daw siya sa kanyang single blessedness at hindi pa niya masasabi kung kailan talaga siya lalagay sa tahimik.

“Being single is like trying to achieve your goals and building yourself to be a better version of yourself. When singles become a couple, it’s stepping up with life and being one with your partner. It’s like upgrading yourself and moving forward to your dream and to your goal,” bida niya.

Kahit daw naman magbago ang civil status, hindi pa rin daw dapat na tumigil siyang mangarap.

“Alam n’yo maraming dreams, pero dreams won’t stop you even if you’re married. It should continue and never stop,” sey niya.

Tungkol naman sa isyu ng premarital sex at unexpected pregnancy, ito ang kanyang tugon.

“When I was in college, before in America, abortions are legal there. A lot of my friends are going to the clinic and I experienced friends going to clinics because they are pregnant and told from their mind and crying, because they had abortion.
For me it was a red flag that’s disturbing.”

Namulat din daw ang kanyang perspektibo sa pagmamahal sa buhay nang ipanganak ang kanyang kapatid na lalake.

Everything changed when I have a 10 year old brother, I looked at things differently.
It’s a human being. A baby is a blessing. It’s not even a mistake. It’s a blessing it’s a gift in life, kumbaga, and you have to cherish that, and again, it’s a choice, everybody’s free to do what they want,” aniya.

Papel ni Joey, isang lalakeng inako ang pananagutan sa babaeng nabuntis ng kanyang ex ang role ni Matteo sa “Single/Single: Love Is Not Enough.”

Mula sa 13-episode TV series na napanood sa Cinemaone channel, isa na itong movie na idinirek nina Veronica Velasco at Pablo Biglang-Awa.

Magsisimula ang Single/Single: Love is Not Enough kung saan natapos ang serye sa huling episode nito kung saan papunta sa susunod na antas ang relasyon nina Joee (Shaina Magdayao) at Joey (Matteo).

received_10215708143247018

Malapit nang manganak si Joee habang in love pa rin si Joey sa kanya at gagawin nito ang lahat para maging responsableng foster father. Makakaranas ng pagsubok ang kanilang relasyon dahil sa iba’t-ibang realidad na nakapaligid sa kanila.

Ipinakikita sa pelikula ang kakaibang mundo kung saan may magic ang pag-ibig at kung paano pinag-aalab ng romansa ang lahat.

Tampok din sa Single/Single: Love is Not Enough ang lahat ng orihinal na cast members mula sa cable series tulad nina Cherie Gil, Ricky Davao, Anna Luna, Brian Sy at JC Santos.

received_10215708138046888

Showing ang pelikula ngayong May 2.

Leave a comment