
Max Collin sets her foot on her first daring role on ‘Kailan Tama ang Mali?’
Para kay Max Collins, malaking turning point sa kanyang acting career ang maging isa sa pangunahing cast ng afternoon soap ng GMA 7 na ‘Kailan Tama Ang Mali?’. Kasama niya rito sina Geoff Eigenman, Empress Shuck, at Dion Ignacio.
“Mature na talaga ‘yong role kumpara sa mga nai-portray ko in the past,” sabi ng Kapuso actress.
“It tacles the life of mag-asawa. At talagang pinaghihirapan po namin ang bawat episode nito at talagang hindi po ito madali para sa amin.
“May mga aspects na nakaka-relate ako sa character ko dahil alam ko kung paano maging career-driven. Kung pano ma-prioritize ang family dahil priority ko talaga ang family ko.
“Pero wala pa po akong asawa. Hindi ko pa po naranasan ‘yon.
“Hindi ko pa po naranasang magbuntis. So ibang Max Collins ang nakita sa soap na ito.”
“No’ng umpisa, talagang nanibago ako. And talagang nahirapan ako do’n sa role ko as Amanda kasi mabigat talaga siya.
“Mabigat ‘yong pinagdaanan ng characters namin ni Geoff bilang mag-asawa.”
First daring role din ito ni Max. Dahil sa mga kissing scenes at lovescenes nila ni Geoff sa part ng story na intimate at okey pa ang pagsasama nila.
“Nakatulong ‘yong pagiging close na namin ni Geoff as friends dati pa para maging at ease ako sa kanya no’ng time na ginawa namin ‘yong mga eksenang ‘yon.
“At saka hindi po namin inisip kung ano ang nararamdaman namin [as] actors sa scene na ‘yon kundi… trabaho ito na kailangan naming pagbutihan.
“And alam naming na we’re on the same stage. Kaya hindi naman kami nahirapan sa mga eksenang gano’n.”
Since game na siya sa mga mature at daring roles na may kissing scenes at love scenes, open na rin kaya siya sa pagpu-pose ng sexy sa men’s magazine?
“Sa ngayon po, wala pa ‘yon sa plano.
“Pero for the sake of the show, iba po ‘yon. Kasi minsan kailangan po kasi sa story.
“Para magampanan naming na tulad sa totoong buhay. Kaya kailangan ko siyang gawin.
“Pero pagpapa-sexy sa men’s magazine, wala pa po yon sa plano as of now.”
Paano kung biglang may offer na at maganda naman ang terms na nakalatag?
“If ever, pag-iisipan ko pa po. But as of now, ayoko pa po.”
E kung sa pelikula kaya na talagang maganda ‘yong role pero daring o sexy nga?
“Depende po siguro iyon sa kuwento kung talaga babagay sa akin. At kung kaya ko talaga siyang gampanan nang maige.
“Kasi ayokong pumasok sa isang bagay na hindi ko kayang i-fulfill o gawin nang maayos.”
Dati nang close bilang magkaibigan sina Max at Geoff. At ngayong magkapareha sila sa ‘Kailan Tama Ang Mali?’, bukas ang posibilidad na baka ma-develop sila sa isa’t isa
Lalo pa at si Geoff, mas gustong sa friendship magsimula ang lahat bago humantong sa relasyon.
“Masyado pa pong maaga para masabi kung may future ‘yong ganyan,” nangiting sabi ni Max.
Hindi pa ba siya ready na ma-inlove ulit?
“Sa ngayon, hindi pa po. Mahirap ma-in love.
“Kasi masyadong magulo. Lalo na kapag nagtatrabaho ka… busy ka sa trabaho.
“Mahirap tutukan ang love life. Masasaktan at masasktan ‘yong partner mo kapag wala kang time para sa kanya.
“Gano’n. E ayokong dumating sa point na ‘yon na kailangan kong isipin ‘yong feelings ng isa pang tao.
“Whereas sobrang pressured na ako sa trabaho ko at ang dami ko nang iniisip. Hindi ko kayang mag-alaga ng isa pang tao.”
Alagain ba si Pancho Magno na naugnay sa kanya dati kaya hindi nagtagal ang relasyon nila?
“Hindi po si Pancho ang sinasabi ko. Sinasabi ko lang sa sarili ko na kaya ayoko… mas pinili ko munang huwag makipag-relationship.”
Bakit nga ba naging short-lived lang ang kanilang romance?
“Mas pinili po namin na mag-focus sa career muna sa ngayon,” paliwanag ni Max.
May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?
“Wala po. Work muna po.
Kung out muna sa isip niya ang love life, how does she spend her free time para mag-enjoy naman at maging happy after work?
“Puro trabaho po talaga. Tapos kapag ako lang mag-isa, either nagbabasa ako or lumalabas ako kung minsan ksama ang mga friends ko.
“Or usually sa family, tina-try namin as much as possible din na lumabas. Kumain sa labas o manood ng movie, ganyan. Kapag may time.
“Pero lately, wala po talagang time. Dahil talagang busy sa trabaho.”