May 23, 2025
Maxene Magalona doesn’t mind being typecast in “kontrabida” roles
Faces and Places Featured Latest Articles

Maxene Magalona doesn’t mind being typecast in “kontrabida” roles

Aug 19, 2016

Challenging para kay Maxene Magalona ang kanyang role bilang Alex sa top rating Kapamilya gold teleseryeng “Doble Kara” ng Dreamscape Entertainment.

Ano’ng kaibahan ng kontrabida role mo sa “Doble Kara” kumpara sa mga ibang anti-hero roles na nagampanan mo na?

 

“Ibang-ibang klase ang pagkakontrabida niya. Sobrang complex. Sobra siyang scheming, sobrang manipulative, selfish na nakakatakot”, aniya.
“Minsan natatakot tayo sa mga ghosts pero di ba may kasabihan na matakot ka sa buhay kesa sa patay. Iyong karakter niya, sort of scary dahil hindi mo alam kung ano ang nasa isip niya. Hindi mo mape-predict kung ano ang nasa isip niya o kung ano ang pinaplano niya, so talagang nakakatakot”, dugtong niya.

 

Ano ang pinakamahirap na parte sa iyo ng pagganap ng iyong ‘kontrabida’ role sa “Doble Kara”?

 

“Actually, I never thought na ganoon ang karakter niya. It’s one of the hardest things to do. Lahat naman ng roles, may depth. Iyong character niya magandang i-explore. Marami siyang levels. Alex is unpredictable and she’s good with mind games”, pahayag niya.

 

Nakapagbida ka na before sa mga teleseryes. Deep inside ba, may fears ka ba na ma-typecast ka o makahon sa mga ‘kontrabida’ roles at hindi na makabalik sa pagbibida?

 

Maxene Magalona“Wala. I don’t want to think it that way. Kung matakot pa ako ngayon, ibig sabihin hindi na ako makakapag-welcome ng ibang roles na mas challenging at mas complex in the future. Basta, I consider it a blessing, kung ano ang meant for me. I’m enjoying every moment sa pagpo-portray ko at pag-e-explore ng character ko”, paliwanag niya.

 

Dahil napaka-effective mong kontrabida sa “Doble Kara”, was there a time na nadala ka sa character mo to the point na nagkapisikalan kayo ni Julia (Montes) na siyang bida?

 

“More of mind games kasi kami ni Julia,so laging mata sa mata. Actually, nag-aalalayan kami ni Julia so, kung anuman ang eksenang ginagawa namin like sampalan o pisikalan, pinag-uusapan namin at coordinated sa isa’t isa”, paglilinaw niya.

 

Speaking of Elmo, aware si Maxene na may mga bashers ang kanyang kapatid simula nang lumipat ito sa Dos lalo na iyong mga hindi boto sa tambalang ElNella.

 

Maxene Magalona“Noong una, siyempre Ate ako, talagang ipinagtatanggol ko, pero na-realize ko na sometimes it’s better to leave it if not totally ignore it . If you know naman na you don’t deserve it, you don’t have to take it, because this is showbusiness”, ani Maxene.

 

Happy din si Maxene sa ElNella love team dahil kapag pinapanood niya ang mga ito, siya man ay aminadong kinikilig din.

 

“Ang cute-cute nila. I’m proud of Elmo at sa lahat ng mga ginagawa niya. Bagay talaga sila ni Janella (Salvador)”, pagwawakas niya.

 

Inspired din si Maxene dahil happy ang kanyang lovelife.

She’s currently in a relationship with Robby Mananquil, a musician.

Aside from acting, gusto rin ni Maxene na makapag-host dahil sakto raw ito sa kanyang personality na makuwento, bubbly at madaldal.

 

Leave a comment