
Maxene Magalona has no baby plans yet
Kahit Mrs. Mananquil na si Maxene Magalona ay wala pa rin siyang balak iwan ang showbiz.
Hirit niya, passion niya ang akting at naiintindihan daw naman ito ng asawa niyang si Rob Mananquil.
“Very supportive naman siya sa akin, in the same way na supportive rin ako sa kanya. Ganoon naman kami, suportahan,” sey niya.
Balik sa pagganap bilang kontrabida si Maxene sa teleseryeng “Playhouse” kung saan ginagampanan niya ang papel ng atrebidang tiyahin ni JJ Quilantang, ang batang naulila sa mga magulang na aampunin nina Angelica at Zanjoe.
“I love portraying character roles kasi maganda siyang paglaruan,” paliwanag niya.
“Here, I play Natasha, aunt ni Robin (JJ) pero may kakaibang twist naman iyong character niya,” dugtong niya.
Pagkatapos ikasal sa kanyang non-showbiz boyfriend noong Enero, wala pa raw balak si Maxene Magalona na magkaroon sila ng baby ng kanyang esposo.
“Gusto muna naming magpokus muna sa ibang bagay tulad ng career namin,” hirit niya.
“May usapan kasi kami ni Rob, na ‘yung wedding namin would be just like a celebration. After noon, tuloy ang buhay. Kumbaga, we will still support each other in our individual dreams. Like him also, he’s pursuing his music. Ako rin,” paliwanag niya.
Wala pa rin daw sa plano nila ang magka-baby ni Rob lalo pa’t busy siya sa kanyang teleseryeng “Playhouse” under GMO Unit sa ABS-CBN.
“Wala pa sa plans namin [ang magkaroon ng baby]. Maybe in a couple of years. But right now, hindi pa. Ang dami pang pangarap na gusto naming matupad,” hirit niya.
Dagdag pa niya, bata pa raw naman sila ni Rob at ang pagkakaroon ng baby ay isang bagay na makapaghihintay.
Kahit pansamantalang nagpahinga dahil nagpakasal, happy din siya dahil hindi siya nawawalan ng proyekto sa ABS-CBN na alagang-alaga ang kanyang career.
“Naniniwala kasi ako na what’s meant for me na projects, ‘yun ang mapupunta sa akin. So natutuwa ako ngayon na although matagal ako nagpahinga after ‘Doble Kara,’ back to work na naman ako,” aniya.
Bukod sa Playhouse, kasama rin si Maxene sa cast ng horror film na “Eerie” kung saan kabituin niya sina Bea Alonzo at Charo Santos sa direksyon ni Mikhail Red.
Kabituin ni Maxene sa Playhouse sina Angelica Panganiban,Zanjoe Marudo, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Dexter Doria at marami pang iba.