June 11, 2025
Mayor Herbert Bautista would love to do a movie with Kris Aquino
Latest Articles

Mayor Herbert Bautista would love to do a movie with Kris Aquino

May 13, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

apr9_bistekKrisHindi itinatanggi ni Quezon City Mayor Herbert na may communication ulit sila ngayon ng dati nang na-link sa kanya na si Kris Aquino. Pero hindi raw sila madalas kung mag-usap. “Hindi masyado,” aniya nang mausisa ito ng Philippine Showbiz Republic (PSR). “Like… recently kasi namatay ‘yung nanay ng pinsan niya. ‘Yung kapatid ni Cory (Aquino) so I texted her lang.

Napapabalita rin na may gagawin silang pelikula ni Kris kasama ang anak nito na si Bimby. Pero ito ang naging reaksyon ng actor-politician, “Hindi ko pa alam. I think Star Cinema ang magdi-decide doon, hindi naman kami. Hindi ko alam ‘yung tungkol sa pelikula na gagawin daw namin. Nagulat ako nung may lumabas na ganoon sa diyaryo. And sabi ko nga, nasa Star Cinema ‘yun at ABS CBN, so kung ano ang desisyon nila, doon tayo.”

Okay ba sa kanya na magsama sila ni Kris sa isang pelikula?
Well, siyempre naman kasi Kris Aquino ‘yun. Kapag Metro Manila Film Festival, laging number one o number two ang mga pelikula ni Kris. So karangalan ko rin naman na makatrabaho ang tinaguriang ‘Box Office Queen.’

Totoo bang close na sila ni Bimby?

“Hindi naman. Para lang siyang nanay niya na lagi akong inaalaska, ganoon lang.”

May napabalita rin na kung minsan ay nakakalkal daw ni Bimby ang phone ni Kris. Tapos nakikita nito na ang nanay niya ay ka-text siya kaya naibubuko raw nito sa ilang nakakausap.

Ginano’n lang ni Kris na kunyari ako (ang ka-text). Pero iba talaga ‘yun!” tawa na namang biro ni Mayor Herbert.

Minsan ay may naipo-post din si Kris na obviously ay patungkol sa kanya?
Hindi ko alam, e. Hindi kasi ako nagbabasa ng mga posts niya,” nangiting huling nasabi ni Mayor Herbert.

Leave a comment

Leave a Reply