
Meant to be(h) after 30 years
After 30 years, nagsamang muli sa isang proyekto sina Vic Sotto at Dawn Zulueta at ito ay sa pamamagitan ng pelikulang “Meant To Beh” na kabilang sa darating na Metro Manila Film Festival.
Walang naging problema habang ginagawa ang pelikula sa kabila ng pagiging abala ng dalawang big stars.
Ang Okay Ka, Fairy Ko noong 1987 ang huling project nila together.
Puring-puri nila ang isa’t-isa at umaasa sila na hindi ito ang huling proyekto na pagsasamahan nila.
Bilib si Bossing sa pagiging professional ni Dawn ganundin ang huli na pinupuri ang kabaitan ng magaling na komedyante.
Sa kuwento rin ng mga artistang kasama sa pelikula, nag-enjoy daw sila sa shooting with Vic and Dawn gaya nina Andrea Torres, Daniel Matsunaga, Gabbi Garcia, JC Santos and Baeby Baste ng Eat Bulaga.
Maging si Ruru Madrid na may special participation sa movie ay natuwa at naramdamang pamilya ang trato sa set na sobrang tuwa at nakasama niya si Vic Sotto.
Si Chris Martinez ang direktor ng Meant To Beh na gumawa ng mga blockbuster movies na Here Comes the Bride at Kimmy Dora.
Pinalitan niya si Tony Y. Reyes na una nang napabalitang magdi-direk pero dahil abala raw ito sa iba niyang proyekto ay hindi na niya nakayanan pang gawin ito.
Pampamilya ang pelikula na handog ng
OctoArts Films, M-Zet Productions and APT Entertainment na dating may titulong “Love Traps #FamilyGoals.”
Inaasahan na ito ay isa sa mga mangunguna sa takilya oras na maipalabas ito.
Sinisigurado ni Bossing Vic na magugustuhan ito ng mga tao gaya ng mga nakaraan niyang pelikula sa MMFF.