May 25, 2025
Meet Athena Mori, Alwyn Uytingco and Jennica Garcia’s first born!
Home Page Slider Latest Articles

Meet Athena Mori, Alwyn Uytingco and Jennica Garcia’s first born!

Jul 20, 2015

By PSR News Bureau

Tulad ng inaasahan, nagsilang ng isang anak na babae si Jennica Garcia. Ang sanggol ay tumitimbang ng 7.12 pounds at talaga namang excited na bagong mga magulang sina Jennica at ang asawa nitong si Alwyn Uytingco. Kaya’t opisyal na ring lola ang premyadong aktres na si Jean Garcia at ang tatay ni Jennica, ang dating aktor na si Jigo Garcia naman ay isa na ring ganap na lolo. Pinangalanan nilang Athena Mori ang bata.

 

A photo posted by Alwyn Uytingco (@alwynzky) on

“Hindi ko alam kung willing na ba si Mama [Jean Garcia] na magpatawag ng ‘Lola,’ pero sigurado akong masayang-masaya rin siya sa pagdating ni Athena Mori,” pahayag ni Alwyn, 27. Kasalukuyan pa lang nagpapalakas ng katawan si Jennica, 25.

A baby is always a blessing. Kahit marami ang nanghinayang sa maagang pag-aasawa ni Jennica matapos nitong makipaghiwalay sa unang aktor na naging nobyo niyang si Martin Escudero, mukhang masaya naman siya sa piling ni Alwyn. Di nga ba’t tuluyan na niyang tinalikuran ang pag-aartista alang-alang sa pag-ibig? Nawa’y mas maging kumpleto na ang pagsasama nilang dalawa ngayon lalo pa’t biniyayaan sila ng isang munting anghel, si Athena Mori.

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), Congratulations Jennica and Alwyn!

Leave a comment

Leave a Reply