May 23, 2025
Meg Imperial leaves door open to the possibility of relationship with JM de Guzman
Latest Articles

Meg Imperial leaves door open to the possibility of relationship with JM de Guzman

Feb 4, 2015

roldan@castro

by Roldan Castro

Meg EmperialLalong nabigyan ng ibang kulay ang pagkaka-link ni Meg Imperial kay JM De Guzman . Nakita si Meg na sumuporta sa premiere night ng movie ng actor at ni Angelica Panganiban na “That Thing Called Tadhana”.

Totoo bang nagkaka-text-an sila?

“Nagkaka-text-an naman minsan,”pag-amin ni Meg.

Sweet ba siyang mag-text?

“Ang alam ko kasi talaga, ganoon siya mag-text. Parang very ano… I think sweet sa lahat. Kasi ‘yun ang sabi ng iba, ganoon siya mag-text,” tugon ng 2015 Calendar Girl ng White Castle Whiskey.

So, ano ang status nilang dalawa?

“We’re friends,” mabilis niyang sagot.
Lumalalim ba ang friendship?

Jm De guzma 01“Hindi ko pa alam kasi masyado pang maaga para magsalita since kailan lang naman kami ulit nagkita. Parang long time ago pa nagkatrabaho. December lang kami ulit nagkita,” aniya.
Balitang tuloy-tuloy ang communication nila ni JM mula nu’ng December.

“Siguro nagkamustahan lang dahil parang nasabi ko sa kanya, hoy, nagka-work na tayo before,” aniya.
Mga baguhan pa lang sila pareho nu’ng araw na nagkasama sa work sa channel 4. Hindi pa raw siya JM De Guzman, hindi pa rin siya kilalang Meg Imperial. Mga bagets pa sila.

Nagpaparamdam ba si JM sa kanya?
“Hindi ko alam. Hindi ako assuming, eh. Kasi pag girls ang naga-assume, eh, mahirap na. Ma-hurt kapag nag-assume. He!he!he!,” tumatawang pahayag ni Meg.

Hindi pa naman daw natutuloy ‘yung yayaan nila ni JM na lumabas pero nagkita raw sila kamakailan sa kasal ng common friend nila.
Pasado ba sa kanya ‘yung mga tipo ni JM na maging boyfriend?

“Si JM naman ay super nice ’yan, sincere and honest. Okey naman siya. Very prangka siya sa mga nararamdaman niya. I think ‘yan ang quality na kailangan in a relationship,” bulalas ni Meg.

Bakit parang may kilig pag nababanggit ang name ni JM?
“Natatawa kasi ako kasi, alam mo naman, bihira ‘yung may ma-link sa akin na lalaki kaya natatawa ako,” aniya.
Hindi namin naramdaman ‘yung ganyang kilig nang matsismis sila ni Ejay Falcon?

“Si Ejay kasi hindi naman kasi kami naging close. Si JM kasi nagkausap naman kami, nagka-bonding hindi gaya kay Ejay,” paliwanag niya.
Ready ba siya na humantong sa serious relationship ang sa kanila ni JM lalo’t pareho silang single?

“Ayaw kong magsabi pero hindi naman ako nagku-close ng doors sa mga ganyang bagay. Hindi ko rin naman masasabi ‘yung mga mangyayari in the future but for now, okey kami as friends. Siguro magandang foundation ‘yan just in case na ma-develop,” sambit pa ng aktres.

Open book naman na may pinagdaanan si JM, nagkaroon ng bisyo, okey lang ba ‘yun sa kanya?
“A, second chance naman sa lahat ng tao, di ba? And sa kanya naman, feeling ko, alam naman niya na mali na napasama lang siya sa maling barkada, ng mga maling tao if hindi, okey naman siya. Mas strong siya ngayong tao,” pakli ni Meg.

Wish din ni Meg na makatrabaho si JM sa isang project dahil magaling daw itong actor.
O, ano ang plano niya sa Valentine’s Day?

“Wala pa naman. Maghahanap pa ako,” pabiro niyang sagot.
Paano kung yayain siya ni JM sa Araw ng mga Puso?

“Kung magyaya siya, why not? Okey lang naman. Pero baka may work ako, tingnan natin,” mabilis niyang tugon.
Anyway, may movie na tinatapos si Meg with Sam Milby at Coleen Garcia “Ex with Benefits”. Magsisimula na rin daw siya ng isang pelikula sa Viva.

Special guest din si Meg sa Hataw Superbodies 2015 na gaganapin sa February 28 , Saturday sa Area 05 ,Tomas Morato . Hosts sina Isabel Granada at John Nite.

May final go- see para sa male and female models sa February 8, 2015 , Sunday , 10 AM to 1 PM sa 42 Scout Borromeo, Quezon City. Magdala ng photo at swimwear.

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply