
Megan Young is happy with the viewers’ warm reception to Marimar
Masaya si Megan Young na sa unang linggo ng pag-ere ng pinagbibidahan niyang ikalawang Pinoy remake ng Marimar ay mataas na agad ang naitalang ratings nito. And she hopes na patuloy lang itong susubaybayan at tatangkilikin ng viewers.
“I really appreciate na marami ang nagkagusto sa mga umere nang episodes ng Marimar. Salamat sa suporta sa show namin,” nangiting pahayag nga niya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Dahil sa magandang feedback nga at mataas na ratings ng Marimar, sinasabing siya na raw ang next biggest star ng GMA 7. Baka nga raw siya na rin ang maging bagong Kapuso Primetime Queen.
“Ayoko pong lagyan ng label,” sabay ngiti ni Megan. “Kasi po, marami pa akong dapat na i-prove. You know, kakabalik ko lang ulit ng showbiz. Ayoko naman na lagyan agad ng gano’n. Huwag muna. Kasi you know, I mean… the other artists ng GMA have accomplished so much and they’re all hardworkers.”
“So I want to stay humble and make sure that I really prove my way to be on top. A… malay natin. I mean kung gano’n ang mangyari, masaya ako. But I want to ano… work hard first.”
Bukod sa Marimar, very soon ay muling eere ang bagong “Starstruck” search kung saan siya ang host kasama si Rocco Nacino. Malapit na rin ang Miss World-Philippines 2015 kung saan siya ang magme-mentor sa susunod na magiging representative ng bansa sa Miss World kung saan siya ang kauna-unahang Pinay na nanalo ng korona nito noong 2013.
Paano kaya ang division of work niya kapag nagsabay-sabay na ito?
“Most of my work is committed to Marimar. Kasi, we all know na it’s the biggest project of GMA so majority of my commitment is for this. My tapings for “Starstruck” is only Fridays. So… ayun.”
Kumusta naman ang personal life niya sa ngayon na sobrang busy siya sa work?
“Okay naman. Nakakasama ko pa rin ang family from time to time. Pati mga friends ko. But… I really don’t have much time for myself. Kasi talagang kapag wala akong taping, nagri-rehearsal kami at nagwu-workshop kami in between. Kasi request ko ‘yun. So I’d rather work hard and make sure na tuloy-tuloy ang trabaho ko. Then saka ako magre-relax after work.”
“I mean marami naman akong naging relaxation na rin hindi ba? Nung Miss World nagta-travel kami. So kahit na sabihin nating trabaho ‘yun, in a way, parang bakasyon na rin siya for me. And I really miss working. So gusto ko na tuloy-tuloy ang trabaho everyday,” panghuling nasabi ni Megan.