May 23, 2025
Is Megan Young pursuing her Hollywood dream?
Latest Articles

Is Megan Young pursuing her Hollywood dream?

May 19, 2017

Epektibong naitawid ni 2013 Miss World Megan Young ang kanyang supladitang role bilang stepmom ng mga inaalagaan ni Ai Ai (delas Alas) sa pelikulang “Our Mighty Yaya” na isang certified box office hit at nasa second week na ngayong palabas sa mga sinehan.

“Iyong aura naman niya na supladita ay nasa lugar naman. Istrikto siya dahil concerned lang siya sa welfare noong mga bata,” pahayag niya.

Hindi rin big deal kay Megan kung suporta siya kay Ai Ai sa movie kahit nakapagbida na siyasa mga teleseryeng “Marimar” at “Alyas Robin Hood.”

“Marami akong natutunan sa kanya. Maganda ang timing niya pagdating sa comedy. Hindi siya nagpapatawa and yet nakakatawa siya. She’s so funny at kagigiliwan mo iyong character at portrayal niya,” papuri niya kay Ai Ai.

19_001

Bagamat nabalita noon na ipu-pursue niya ang kanyang Hollywood dream, ayaw muna niyang magbigay ng maraming detalye tungkol dito.

“My agent kasi ang in-charge roon. Definitely, magkakaroon ako ng mga workshops. Winu-work out pa kasi kung ano iyong babagay (na role) sa akin,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Megan, excited din ang kanyang boyfriend na si Mikhael Daez sa kanyang pagsabak sa Hollywood kung sakali.

“In a way, nagbibigay siya ng tips dahil nakagawa na rin siya ng international movie, so, nagshe-share siya ng mga experience niya,” tsika niya.

Nilinaw naman niya na wala pa siyang balak pakasal kay Mikhael kahit wala nang hadlang dahil tapos na ang reign niya bilang Miss World.

“Hindi pa. Hindi pa ako handa para sa ganoon,” pakli niya. “Hindi pa talaga ako ready. Okey lang kami pero wala pa kami sa ganoon. Basta ngayon, enjoy lang kami. Chill lang naman kami sa life. We think ahead pero nag-e-enjoy lang kami day by day. We want to take it one day at a time. Iyong mga serious stuff like marriage, hindi pa namin talaga  iyon napag-uusapan,” pagkaklaro niya.

Vocal naman siya sa pagsasabing gusto rin niyang makasama si Mikhael sa isang proyekto.

Photo from Megan's instagram account
Photo from Megan’s instagram account

“I look forward to it. Kaya lang, hindi lang naman ako o si Mik ang deciding factor kundi ang network,” ani Megan.

Isa pang rason dito ay ang kanilang hectic schedules.

“May mga plans sa amin, kaya lang minsan si Mik kasi everytime na may ginagawa siya, hindi rin ako puwede dahil hindi nagtutugma iyong sked namin, so I guess, it’s just a matter of time,” pagwawakas niya.

Leave a comment