May 23, 2025
Megan Young returns to GMA 7
Latest Articles

Megan Young returns to GMA 7

Apr 5, 2015

MEGAN YOUNG GMA CONTRACT SIGNING

by PSR News Bureau

Matapos ang isang taon na pagiging Miss World ng aktres na si Megan Young, muling nagbabalik ang dalaga bilang isang Kapuso. Kapipirma lamang ni Megan sa GMA 7 nitong March 31 bilang exclusive talent ng naturang network. Masaya ang aktres sa kanyang muling pagbabalik sa GMA 7, dito nagsimula si Megan bilang isang artista. Bahagi ang aktres ng StarStruck Season 2 bilang ‘avenger’ kung saan isa siya sa naging top 6 ng nasabing artista-reality search. Iniwan nito ang GMA noong 2007 at lumipat sa ABS-CBN.

Masaya naman ang aktres na muling magbalik sa kanyang tinuturing na “home network.” Ayon pa sa kanya, na-miss daw niya ng sobra ang mga dati niyang kasama at mga kaibigan. Kaya mas may chance na magkasama na si Megan at ang napapabalitang kanyang boyfriend na si Mikael Daez dahil kapwa na sila Kapuso. Sabi naman ni Megan, bukas naman daw siya sa posibilidad na magkasama nga sila ni Mikael sa isang proyekto. “It would be nice to work with him, if given the proper project, why not?” Maaari na rin silang magsama ng kanyang nakababatang kapatid na si Lauren Young dahil isa naman din itong certified Kapuso artist. Hindi naman ‘big deal’ para kay Megan na nasa iisa silang istasyon ng kanyang kapatid. Aniya, wala naman daw ‘sibling rivalry’ sa pagitan nila ni Lauren. Todo suporta pa nga daw ang nakababatang kapatid nito sa kanya. Bukod pa dito, batid din ni Megan na magkaiba sila ng talento at ‘crowd’ ng kapatid. Excited nga si Megan sa mga proyektong nakatakda niyang simulan para sa GMA.

Ngunit bilang paghahanda sa kanyang muling pagsabak sa kamera na pansamantalang naantala during her reign as Miss World 2013, nagbakasyon ito sa kanyang bayan sa Olongapo nitong nakaraang Semana Santa.

Dapat na abangan si Megan sa papalapit na pagbubukas muli ng bagong season ng StarStruck search ng GMA kung saan isa siya sa nakatakdang maging host nito kasama ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Leave a comment

Leave a Reply