
Melai Cantiveros now being called as ‘Reality Contest Superstar’
‘Reality Competition Superstar.’ Ito ang nagiging bansag ngayon kay Melai Cantiveros matapos tanghaling grand winner sa ‘Your Face Sounds Familiar’ kamakailan.
Bago nito, si Melai din kasi ang naging grand winner dati sa ‘Pinoy Big Brother Double Up.’ Malaking bahagi ng puntos para sa dalawang nasabing competition ay nakadepende sa text votes na napagtagumpayan niyang madomina.
“Para akong nao-overwhelm,” ani Melai kaugnay ng kanyang panalo. “I can’t believe it kaya… thank you Lord!,” sabi ng komedyante sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
Sa final four ng ‘Your Face Sounds Familiar’ kung saan kabilang sina Jay R, Nyoy Volante, at Edgar Allan Guzman, si Melai ang sinasabing pinaka-popular at malakas ang hatak sa texters. Although may mga nagsasabi na karapat-dapat lang na siya ang manalo, may mga umaapela rin particularly sa social media na hindi raw siya deserving na maging grand winner.
“Sobrang inirerespeto ko naman ‘yung mga sinasabi nila. Kasi nga siyempre, kanya-kanyang opinion lang naman iyan. At saka social media ‘yan, alangan namang hindi ko irespeto? E di patay naman ako, magkakaroon ako ng bashers, ayoko! Kaya okay lang naman ‘yun,’ ani Melai.
“Sa tingin ko kaya ako ang ibinoto ng mga tao dahil sa ‘Wrecking Ball.’ Parang nadala ako sa ball na kinabahan siguro sila kaya parang natuwa sila sa ball na ginawa ko kaya ibinoto ako,” pagtukoy ni Melai sa ginawa niyang pagsakay sa malaking bolang nakalambitin habang kinakanta ang ‘Wrecking Ball.’
“Medyo nahihiya nga ako kasi di ba, hindi naman talaga ako singer? Naa-out of tune nga ako. Pero dahil nga siguro natuwa sila [audience] kaya’t ako yung ibinoto,’ dagdag pa nito.
Kung siya ang magra-rank ng final four, ano ang ranking na kayang ibibigay?
“Hindi ko naman puwedeng i-rank ang sarili ko na lowest kasi patay ako sa mga bumoto sa akin. Kaya number one pa rin ako… charing!,” natawang biro ni Melai.
“Number two si Kuya Jay R. Number three naman si Kuya Nyoy. At number four si EA (Edgar Allan).”
Anong balak niya sa kanyang premyo na one million pesos?
“Pang-savings.”
Sa kanilang dalawa ng asawa niyang si Jason Francisco, sino ba ang humahawak ng pera?
“Ako siyempre. Kasi ako ang babae. And thanks to my husband [Jason] because he always trust me when it comes to money. At saka very supportive siya. Feeling ko hindi ko magawa itong ‘Your Face Sounds Familiar’ kung hindi dahil sa kanya. Dahil lagi niya akong pinu-push, e. At saka bago ako sumampa sa hagdan (pasakay sa malaking ball na nakalambitin), sabi niya… ‘You’re very sexy!,’ pampalakas-loob ba. Pinili ko talaga si Miley Cyrus! Ha-ha-ha! Kasi crush niya (Jason) talaga si Miley Cyrus.”
‘Yung pagiging grand winner niya sa Your Face Sounds Familiar ay umpisa na kaya ng kanyang musical career? Magri-recording ba siya at magku-concert?
“Kung may magta-trust. Kung wala namang magta-trust, okay lang naman. Steady lang naman ako,” pagtatapos ni Melai.
–30–