
Melissa Ricks misses acting; wants to work with Matt Evans again
(Photo from Melissa’s instagram account)
YES, na-interview namin si Melissa Ricks via “Wow It’s Showbiz” sa Radyo Inquirer 990 Television Mondays to Fridays 3 pm to 5 pm at napag alaman namin na isang buwan na pala siyang nandito sa Pilipinas kasama ang kanyang anak.
“Magbabalik showbiz ako para sa anak ko. Matagal-tagal na rin naman akong nawala sa showbiz. Ganon pala hahanap-hanapin mo,” kuwento niya.

Tapos na rin ang kontrata niya sa Starmagic kaya naman open siya ngayon at naninimbang kung sino ang magiging manager niya.
Huling napanood si Melissa sa teleseryeng “Walang Hanggan” under ABS-CBN 2.
At willing siyang makatrabaho ang mga nakasamang mga artista.
“Gusto ko rin makasama ang dati kong ka-loveteam na si Matt Evans.
Sa ngayon ay pursigidong magbawas ng timbang si Melissa. At kasalukuyan siyang nagdyi-gym.
“Ginagawa ko ‘to para sa anak ko. At magtratrabaho ako para lang sa kanya,” sabi pa niya.