May 23, 2025
Mercedes Cabral confronted with life-threatening experience in “Da Dog Show”
Latest Articles Movies

Mercedes Cabral confronted with life-threatening experience in “Da Dog Show”

Jun 30, 2015

arseni@liao
By Archie Liao

2a0a4fa65

Dalawa ang film entries ng tinaguriang ‘indie queen’ na si Mercedes Cabral sa ongoing World Premieres Film Festival 2015. Nasa pelikulang “Ang Kubo sa Kawayanan” siya ni Alvin Yapan, kung saan ginagampanan niya ang papel ni Michelle— ang babaeng nakatira sa kubo na ayaw umalis sa kanyang tirahan dahil sa mga iniingatang alaala niya rito at sa “Da Dog Show” ni Ralston Jover kung saan binibigyang buhay naman niya ang katauhan ni Celia, isang mentally retarded na anak ni Mang Sergio (Lou Veloso), isang dog trainor.

062915-Mercedes-Cabral-Lou-Veloso-Dog-Show

Bagamat parehong challenging ang kanyang roles sa dalawang pelikula, para kay Mercedes, mas mahirap ang kanyang role sa “Da Dog Show” dahil buwis-buhay ito para sa kanya. Nakagat kasi siya ng aso habang nagsho-shoot ng naturang pelikula.

“Yun kasing si Habagat na ka-eksena ko ay isang askal. Nanibago siya, akala kasi niya ako yung kaaway niya, so kinagat niya ako at kinailangan kaming i-pack up ni Direk para isugod ako sa San Lazaro hospital,” lahad niya.

“Buti na lang, after na matingnan ako, naging safe naman ako,” pahabol niya.

Ayon pa sa kanya, nagkaroon din siya ng pagkakataong makilala ang tunay na Celia na ginagampanan niya.

3ae9cf320b4b106f9554dfe7130d49f0“Yung role ko sa “Da Dog Show” bale, base siya sa tunay na buhay, so part ng immersion process ko iyong personal kong makasalamuha iyong totoong Celia na isang mentally challenged. Very challenging siya sa akin kailangan ko siyang obserbahan. Kung paano siya magsalita, gumalaw, mag-isip. Marami kasing klase ang mental illness at intellectual disability, may schizo, may bipolar, may psychotic, may obsessive compulsive, merong may down syndrome, so dapat iyong pag-atake mo sakto lang. Minsan nga , kailangan mo siyang suyuin. Naalala ko during the shoot, minsan, binilhan ko pa siya ng nail polish. Ganoong klase ng bonding,” ayon kay Mercedes.

“As much as possible kasi, gusto kong lumabas na natural at hindi basta ina-arte ko lang yung role niya,” paliwanag niya.

“Noon ngang nagsho-shoot kami, feeling ko na alam niya na ginagaya ko siya kasi sabi nung production assistant namin, narinig daw niyang sinabi ni Celiang, ‘hindi naman ako iyan,’ so more or less aware siya na ginagampanan ko iyong buhay niya,” dagdag na kuwento niya.

Ang pakikipag-bonding din sa mga aso ay isa sa mga pagsubok na hinarap niya habang kinukunan ang pelikula.

“Siyempre, yung difficulty sa pakikipag-eksena sa mga dogs, kailangang mag-adjust sa kanila. Nariyang himas-himasin mo sila o i-hug mo sila, para gumawa ka ng koneksyon sa kanila. Tulad ng tao, napapagod din sila at nai-stress. Yung time na allotted para magpahinga sila para laging nasa kundisyon dapat i-follow mo iyon,” aniya.

Sinimulan ang “Da Dog Show” noong 2010 pero nagkaroon ito ng problema sa funding kaya nahinto. Nabago rin ang main actor dito na si Joonee Gamboa na pinalitan ng equally good and tested thespian na si Lou Veloso due to some scheduling problems noong mag-resume ito noong 2013. Wala namang reklamo si Mercedes sa pagre-reshoot ng pelikula kahit hindi nagamit ang mga nakunan na nila dahil sa pagbabago ng cast.

“Kaya nga inabot siya ng 5 years kasi, bukod sa may nabago sa cast, namatay din iyong mga original dogs na sina Habagat at Bagwis na ginamit sa pelikula. So, they have to be replaced with other dogs, so we have to re-shoot the scenes and start all over again,” pagwawakas niya.

Ang “Da Dog Show” ay nakakuha ng grant sa Cine Fundacion at kasalukuyang palabas sa SM Cinemas bilang bahagi ng 2nd World Premieres Film Festival. Si Mercedes Cabral ay tinanghal na best actress sa katatapos na awards night ng 2nd World Premieres Film Festival under the Filipino New Cinema section para sa pelikulang “Ang Kubo sa Kawayanan” at patuloy na umaani ng mga papuri para sa kanyang makabuluhang pagganap sa “Da Dog Show.”

Leave a comment

Leave a Reply