May 23, 2025
Mercedes Cabral essays a special role in “Kubo sa Kawayanan”
Latest Articles Movies

Mercedes Cabral essays a special role in “Kubo sa Kawayanan”

Jun 9, 2015

arseni@liao
By Arsenio “Archie” Liao

download (1)Hindi na bago sa independent film actress na Mercedes Cabral ang pagrampa sa mga international film festivals. Marami na siyang napabilib hindi lang dahil sa kanyang morena beauty kung hindi maging sa kanyang angking galing sa pag-arte sa pelikula locally and internationally.

Sa katunayan, noong una siyang rumampa sa red carpet sa 61st Cannes Film Festival kung saan naging official entry ang kanyang pelikulang “Serbis” sa naturang filmfest, binansagan siya bilang pinakamagandang aktres sa isang online poll sa okasyong iyon dahil sa kanyang exotic Pinay look.

Naging in demand din sa siya sa mga foreign productions tulad ng “Thirst” ni Chan-Wook Park, “The Deadline” ni Ian Wang, “Beast” nina Sam at Tom McKeith, at sa “Rosita” ni Frederikke Aspöck.

Ngayon naman, she considers it a privilege na maging bahagi ng 2nd World Premieres Film Festival, Filipino New Cinema division kung saan ang kanyang pelikulang “Kubo sa Kawayanan” ay magpre-premier sa bansa.
Ano ang role mo rito sa “Kubo sa Kawayanan?”

“I portray Michelle, the girl who lives in the kubo. Hindi mo alam kung si Michelle is crazy or there is something magical in the house like buhay na bahay ba siya o talagang she has a bond with the house kasi ayaw niyang umalis sa bahay dahil doon na siya lumaki at ang daming magagandang memories siya roon lalo na iyong memories niya of her mom,” kuwento niya.

Ano ang kaibahan nito sa mga previous roles na nagampanan mo na?

an-kubo-sa-kawayanan“Siguro iyong element of mystery dito sa pelikula. Kakaiba, in the sense na mapapaisip ka kung yung house ba talaga is alive o talagang may special bond lang iyong character ni Michelle sa kubo na ayaw niyang iwan,” paliwanag niya.

May mga bagay ba sa buhay mo na ayaw mong iwanan dahil may sentimental value sa buhay mo?

“Lahat naman dumaraan sa ganoong stage. We treasure most the things na may sentimental value sa atin. Pero there comes a time in your life na sometimes you have to let go of the things you don’t really need. Less things and stuff

Leave a comment

Leave a Reply