
Meryll Soriano confessed she’s a bipolar
By PSR News Bureau
Naging malapit pala ang aktres na si Meryll Soriano sa pamilya Buencamino dahil makailang-beses na niyang nakatrabaho sina Nonie Buencamino at ang kabiyak nitong si Shamaine Centenera. Dahil dito’y naging particularly close ang dalaga sa pamilya pati na sa mga anak nitong sina Delphine at ang yumaong bunso nilang si Julia Louise na kumitil ng kanyang sariling buhay kamakailan lang. Naintindihan daw ni Meryll ang pinagdaanang depresyon ni Julia dahil inamin nitong maging siya ay dumaan din sa matinding pagsubok.
“Nagkaroon din ng panahon sa buhay ko kung saan lugmok ako at matinding depresyon din ang pinagdaanan ko. Pero masuwerte lang ako dahil may mga taong maaari kong lapitan. Sila yung nagpalakas ng loob ko, knowing na may mga taong handang tumulung sa iyo is considered your strength,” paliwanag pa ni Meryll.
“I’m bipolar. Hindi biro ang magkaroon ng ganitong condition. Matindi ang mood swings na aming pinagdaraanan sa bawa’t araw. May mga sandal na ang saya namin ay parang walang katapusan. Tapos biglang mababahiran ng lungkot, at pighati sa walang malinaw na dahilan. But with the love of my family, friends and those people around me, I struggle each day to get by. Na-overcome ko pati yung stage ng depression ko na gusto ko na rin magpakamatay. I needed to fight for the sake of my son and those who love me.”
Nagulat man si Meryll sa nangyari sa bunso ng mga Buencamino, aniya, hindi siya naniniwala na pagkitil sa buhay ang paraan upang mabigyan ng solusyon ang lumalalang depresyon sa mga kabataan. “May Diyos naman na gumagamit ng iba’t-ibang tao upang matulungan ka, hindi mo lang lubos na nauunawaan.”
Si Meryll ay patuloy na lumalaban sa kanyang kondisyon at hindi raw siya patatalo dito dahil higit na mahalaga sa kanya ang kanyang anak na solo niyang binubuhay bilang isang single mom. Payo pa ni Meryll sa lahat ng may pinagdaraanan, “Huwag kayong mahihiyang humingi ng tulong. Hindi ninyo kayang sarilihin ang lahat ng problema lalo na’t ang depresyon ay isang seryosong bagay na hindi dapat binabalewala.”