
Michael Pangilinan wants to meet Gabby Concepcion
Hindi pa pala nami-meet ni Michael Pangilinan si Gabby Concepcion, ang daddy ng girlfriend niyang si Garie Concepcion. Pero ayon sa tinaguriang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala, ready na raw siya at gusto na niya.
“Actually, gusto na ni tito Gabby, ako rin, gusto ko na rin. Hinihintay na lang namin ‘yung right time. Kung kelan siya free,” sabi ni Michael nang makausap namin sa presscon ng 2nd album niya under Star Music, ang Michael.
Actually, halos lahat ng family ni Garie ay na-meet na ni Michael except for Gabby. Kahit nga raw ang mga half-sisters ng GF na sina KC Concepcion and Cloie Syquia Skarne ay na-meet na niya and of course, pati na rin ang mother ng girlfriend na si Grace Ibuna.
Sina KC, Chloe at Garie as we all know ay anak lahat ni Gabby sa magkakaibang babae.
Kumusta naman ang first meeting niya kay KC?
“Sobrang wala po akong masabi sa kanya, ‘yung inaasahan mo na sasabihin ng isang ate. . .siyempre, nandiyan ‘yung mga advice na “o, you’re not getting any younger anymore” sa sister niya.”

Bakit sinabi ni KC kay Garie ‘yun? Gusto ba ni KC na magpakasal na sila?
“No, hindi ganu’n. Kung baga, kung laro lang ‘yan, bitawan mo. Kung totoo, go for it. Kasi uso na ngayon ang playtime-playtime. Wala ka namang mararating doon,” sey ni Michael.
Noong una raw meeting niya with KC and Cloie ay talaga raw kinabahan siya.
“Siyempre, the Concepcions, di ba? Noong una ko silang nakita, siyempre, medyo may kaba ka, kasi first time mong makakasama ‘yung family niya, ‘yung sisters niya. Pero sobrang kulit, sobrang babait nila, sobrang saya nila, sobrang kenkoy, kalog lahat sila,” kwento ni Michael.
Sa ngayon ay maganda raw ang mga nangyayari sa buhay niya, mapa-career o love life. Happy siya sa kanyang self-titled album sa Star Music dahil mas marami raw itong nilalamang mga songs than the first one.
“At may naisulat akong kanta na kasama dito. Mas pang-emotional at senti ang album na ito kaysa doon sa first album ko,” sey pa ni Michael.
Ang “Michael” album ay naglalaman ng 8 tracks, na ang carrier single ay Hanggang Kailan na simula nang mai-release ay naging consistent chart-topper na sa iba’t ibang radio stations sa bansa.
Bukod sa 8 tracks, kasama rin sa album ang 5 bonus tracks kabilang na ang first hit single ni Michael na Pare Mahal Mo Raw Ako.
The abum, produced by Rox Santos can now be streamed on Spotify. Ang digital tracks naman ay pwedeng i-download via online music stores such as ABS-CBN store, ITunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon, OneMusic.ph and Starmusic.ph.