May 31, 2025
Michelle Madrigal and Maui Taylor headlines adult-drama series “Dalawang Gabi”
Latest Articles T.V.

Michelle Madrigal and Maui Taylor headlines adult-drama series “Dalawang Gabi”

Jan 19, 2016

by PSR News Bureau

CYrlD4CUkAAO9keMarahil marami na ang nakaka-miss sa dalawang sexy stars na sina Michelle Madrigal at Maui Taylor. Matagal na rin naman na panahon magmula nang huli silang mapanood sa pinilakang tabing man o sa telebisyon. Maging sila ay aminado na name-miss na rin nila ang pag-arte sa harap ng kamera. Masaya ang dalawa na muli silang nagbabalik sa telebisyon bilang dalawa sa lead stars ng adult-drama series na may pamagat na “Dalawang Gabi.” Ang nasabing serye ay sa ilalim ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Ang “Dalawang Gabi” ay isa lang mga magagandang programang ilulunsad ng Sari-Sari Channel na eere simula sa buwan ng Marso 2016. Ang Sari-Sari Channel ay isang joint undertaking ng Viva Communications at MVP Group Mediaquest. Available na ang Sari-Sari Channel exclusively sa mga Cignal cable subscribers at mapapanood araw-araw sa channel 3.

Bukod sa “Dalawang Gabi” tampok din sa Sari-Sari Channel ang “Barrio Kulimlim” na pinagbibidahan nina Ara Mina, Shy Carlos at Meg Imperial. Ang nasabing programa ay maaaring mapanood tuwing Biyernes nang gabi sa ganap na 11PM simula sa February 12.

Isa pang programang dapat na abangan at panoorin sa Sari-Sari ay ang “Class 3-C Has A Secret” na isang teen drama na may temang mystery-thriller mula naman sa panulat ni Enah Guevarra. Tumatalakay ito sa dark secrets ng mga estudyante ng Laketon Academy. Mga sikat na bagets ng Viva ang nangunguna dito gaya na lang ni Yassi Pressman, Bret Jackson, at Josh Padilla. Mapapanood ito tuwing Sabado ng gabi, 11PM.

Leave a comment

Leave a Reply