
Miggs Cuaderno to star in fantasy-adventure film ‘Magikland’
Masaya ang young actor na si Miggs Cuaderno dahil sunud-sunod ang projects niya ngayon.
Bukod sa regular siyang napapanood sa seryeng Prima Donnas ng GMA-7, kabilang sa pelikulang aabangan kay Miggs ay ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Direk Chito Roño, starring Joshua Garcia at In The Name of The Mother na tinatampukan ni Snooky Serna, directed by Joel Lamangan.
Siya naman ang bida sa Magikland, isang fantasy-adventure film ni Direk Christian Acuña.
Kaya naman nabanggit ni Miggs na happy siya sa takbo ng kanyang career dahil kahit nasa awkward stage ay marami siyang projects.
“Napakasaya po at thankful kay God,” sambit ni Miggs.
Patuloy pa niya, “Kasi po nagtiyaga po kami na maghanap ng auditions para makita po ako ng mga director kung gaano na ako kalaki (5’ 6” na siya).
“Naniniwala po kasi si mommy na dapat nagpupunta sa go-see para makita ng director in person at makita kung paano kang umarte.
“Wala naman daw pong mawawala sa akin if pupunta kami, madadagdagan pa ‘pag nakuha ako. Iyan po pangaral sa akin ni mommy, dapat daw po na matiyaga para may nilaga.”
Nalaman din namin na hindi na pala siya under contract sa Artist Center.
Kuwento ng 15 year old na binatilyo, “Nagpa-release na po ako sa Artist Center last year, March 2019. Kaya sobrang saya ko po na kahit hindi na ako under Artist Center management, kinuha pa rin ako ni direk Gina Alajar for Prima Donnas. Dapat po kasi may three years pa ako sa Artist Center.
“Pero napayagan po ako magpa-release, kasi po nag-usap po sila nina mommy with the head of Artist Center.”
Dagdag pa ni Miggs, “Mahal ko po ang GMA-7 at malaki ang utang na loob ko po sa network, kasi po six years old ako nagsimula sa GMA-7 sa teleseryeng Little Star. Then, nasundan po ng Munting Heredera, at Faithfully… at sunud-sunod na po na teleserye.
“Nagpapasalamat po ako sa tiwalang ibinibigay sa akin ng GMA-7 network at ng mga program manager, executive producers, at directors.
“Thankful din po ako, dahil alam ko ipinagpe-pray pa rin po ako ni direk Maryo J. Delos Reyes para po sa tinatahak kong career. Thankful po ako kay God na hindi Niya ako pinababayaan. Lagi ko lang pong tinatandaan yung mga itinuro ni direk Maryo sa akin at ang bilin niya na maging mabuting tao ako.”
Thankful din ang award-winning young actor dahil sa mataas na ratings ng kanilang serye na tinatampukan nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at iba pa.
“Masaya po ako na napabilang sa mataas na ratings na afternoon prime teleserye na Prima Donnas.”
Bakit sa palagay niya ay patok sa viewers ang Prima Donnas?
“Inaabangan po ito ng viewers dahil hindi nila malaman o masabi kung ano mangyayari sa serye. Kumbaga, hindi po siya predictable, kaya po lalong nagagalit mga nanonood sa nangyayari kay Mayi.
“Marami pong dapat abangan ang viewers na mga exciting na eksena rito, sa mga magaganap po sa Prima Donnas lalo na kay Mayi, kina Lilian (Katrina) pati po kay Kendra (Aiko), madami pa po siyang masamang balak para guluhin ang buhay nila Lilian at Mayi,” wika pa ni Miggs.