
Migo Adecer and Klea Pineda wins Ultimate Survivors in StarStruck 6
by PSR News Bureau
Itinanghal bilang Ultimate Male and Female survivors sa grand finale ng reality-based artista search ng GMA Network, ang StarStruck 6 sina Migo Adecer at Klea Pineda. Runner-ups naman nila sina Elyson de Dios [first prince] at Ayra Mariano [first princess].
Tubong Bacolod si Migo, 16 years old pero lumaki ang binata sa Australia. Si Klea ay 16 years old rin at mula naman sa Caloocan City.
Bilang mga nagsipagwagi, makakatanggap sina Migo at Klea ng P1 million each, brand new house and lot, at guaranteed network contract mula sa GMA. Sigurado na rin silang makakasama sa remake ng Kapuso fantaserye na Encatadia. Sina Dingdong Dantes, Kris Bernal, Rocco Nacino, at Miguel Tanfelix ang mga naging hosts ng Final Judgement ng StarStruck 6.
Samantala, hindi naman nakadalo ang StarStruck alumna at Miss World 2013 na si Megan Young dahil naging abala ito sa pag-host ng Miss World 2015 sa Sanya, China.
Dahil tapos na ang nasabing artista reality search, panahon na upang ipakita at patunayan ng mga bagong StarStruck graduates kung anong talento ang mayroon sila upang makatagal sa industriyang ito ng showbiz. Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), Congratulations kina Migo at Klea!