May 22, 2025
Miho Nishida finds Tommy a father material
Latest Articles

Miho Nishida finds Tommy a father material

Jan 13, 2017

Nakatulong kay Miho Nishida, ang winner ng Pinoy Big Brother 737, ang pagiging real-life sweethearts nila ni Tommy Esguerra para maging makatotohanan ang mga kissing scenes nila sa pelikulang “Foolish Love” ng Regal Entertainment.

“Sa totoong buhay naman talaga, kami talaga, then sa pelikula, kami rin so hindi kami masyadong nahirapang mag-adjust. Dahil mas kumportable kami, mas naging madali sa amin iyong mga ginawa namin sa pelikula as lovers,” kuwento niya.

Ang tambalan nila ni Tommy Esguerra ang isa sa pinakasinubaybayan sa social media lalo na noong panahong nanalo sila sa PBB noong 2015 kung saan nabuo ang kanilang romansa sa Bahay ni Kuya.

Pinakaabangan din noon ang kanilang real life serye sa “It’s Showtime” kung saan nag-propose si Tommy on national television kay Miho para maging boyfriend nito.

Almost one year nang officially mag-on sina Miho at Tommy at sa  loob ng panahong iyon, nasubukan ang kanilang relationship.

“Marami kaming natutunan. Nakilala ko siya at nakilala rin niya ako. Nagkaroon kami ng opportunity na madiskubre ang isa’t-isa,” aniya. “Sana, umangat pa kami as a love team at mag-grow pa kami sa relationship namin,” pahabol niya.

Ayon pa kay Miho, patuloy pa rin siyang naa-amaze at kinikilig kay Tommy, lalo na sa sense of humor nito.

Hindi naman ikinaila ni Miho na ipinagdarasal niya na sila na ng model-actor ang magkatuluyan sa tunay na buhay hanggang sa kanilang pagtanda.

“Ayoko kasi ng papalit-palit ng boyfriend. After what you’ve gone through, gusto mong mag-settle sa isang tao na you want to spend your whole life with,” sey niya.

Being a single parent, ibinida ni Miho na naipakilala na niya si Tommy sa kanyang ina at sa anak nitong si Aimi.

tm2

“She calls him Daddy Tommy at happy ako na nagiging close na sila,” tsika niya.

Dagdag pa ni Miho, nakikita niya kay Tommy ang katangian ng isang responsableng ama.

“Iyong maturity kasi niya, iba. Super matured siyang mag-isip. Super deep. He’s a responsible person at hahangaan mo ang kanyang disposition,” pagwawakas niya.

Ayon pa kay Miho, boto raw naman ang kanyang mommy at darling daughter kay Tommy kung sakaling ito na ang lalaking pakakasalan niya sa takdang panahon.

Papel ng isang babaeng nagtratrabaho sa isang coffee shop ang role ni Miho sa “Foolish Love.” Sa trabaho, nakursunadahan siya ng kanyang amo pero pinili pa rin niyang makasama si Tommy na isang barista sa pelikula.

Bukod sa pelikulang “Foolish Love”, ang romantic at kilig movie na unang pasabog ng Regal, mapapanood  din ang tambalang Tomiho sa Kapamilya TV series na “Langit at Lupa.”

Ang “Foolish Love” ay magbubukas sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa Enero 25.

Mula sa direksyon ni Joel Lamangan, kasama rin sa main cast sina Jake Cuenca at Angeline Quinto.

Leave a comment