May 24, 2025
Mikko Estrada shares his The Voice experience
Latest Articles

Mikko Estrada shares his The Voice experience

Jul 12, 2017

Mula nang maging contestant si Mikko Estrada sa The Voice Teens (Team Sarah) ay nagkaroon na siya ng fan club.

Kamakailan nga ay nagkaroon ang mga ito ng get together. Sobrang thankful si Mikko sa suportang ipinapakita sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

“Kahit paano po, feel na feel ko talaga ‘yung pagmamahal nila sa akin, ‘yung support nila sa akin. Kahit umuulan po, kahit galing pa sila sa iba’t-ibang probinsiya, like yung iba po taga-Abra pa, talagang nagpunta po sila rito sa aming grand get together. Sobra ko pong na-appreciate sila,” sabi ni Mikko nang makausap namin

Ikinuwento ni Mikko kung paano nabuo ang kanyang fan club.

“After po i-air yung blind audition ng The Voice Teens, na napili po ako, yun na po, pag-open ko ng Facebook ko, thousands po agad yung notifications. Tapos may nag-chat na lang po sa akin, si Zai, siya po yung nag-start ng fan blog. Though, hindi po namin siya kaano-ano, ‘yun po galing po mimso sa puso niya, na tutulungan niya po ako at susuportahan po niya ako.”

Kamusta naman ang naging experience niya sa The Voice Teens?

“Eventhough na natalo po ako sa battle round, siyempre, hinding-hindi ko po makakalimutan ‘yung The Voice Teen. Kasi stepping stone po yun sa akin, sa career ko.  Magandang experience po talaga ‘yung naibigay sa akin ng The Voice Teens and yung memories po na masasaya, kahit po ‘yung malungkot na natalo ako sa battle round, hinding-hindi ko po makakalimutan yun.”

041617-tvtmikko

Nung hindi siya ang napili ni Sarah sa battle round kundi ang nakalaban niyang si Fatima Lagueras, nasaktan ba siya? Iniyakan niya ba ang pagkatalo niya kay Fatima?

“Sa totoo lang po, umiyak po talaga ako dun sa family room.

“Hindi lang po iyak, kundi hagulgol,” pa gamin ni Mikko.

Nagtampo ba siya kay Sarah na hindi siya ang pinili nito?

 “Hinding-hindi ko po sisisihin si coach Sarah na hindi niya ako pinili. I respect naman po yung naging desisyon niya na si Fatima ang pinili niya. Siguro po, may mas nakita pa po siya na kaya ni Fatima kesa sa akin,” pagtatapos ng binata.

Leave a comment