May 23, 2025
Millennial Pop Princess, family offer help to neighbors amid COVID-19 outbreak
Latest Articles

Millennial Pop Princess, family offer help to neighbors amid COVID-19 outbreak

Apr 4, 2020

Uso ulit ngayon ang bayanihan sa Pilipinas mula nang dumating ang mapaminsalang Covid-19.

Mula sa mga sikat na celebrity hanggang sa mga ordinaryong tao ay mababasa natin sa social media ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtulong sa kapwa. 

Ang talented na Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan at ang kanyang pamilya sa pangunguna ng cool dad niyang si Sir Boyet Zaplan ay kabilang sa mga good Samaritans na nagbigay ng ayuda sa panahon ng kagipitan.

Post niya sa FB: “Maski konting tulong para sa mga kapitbahay pagpasensyahan nyo na po ang munting nakayanan namin.”

Tugon pa ni Sir Boyet sa isang nag-comment sa generosity ng kanilang pamilya, “Konti lng po yan gawain naman po namin yan talaga….ngayon pa mas kailangan na.”

Sa panahon nang kagipitan talaga mas makikilala ng mga taong may mabubuting kalooban. Kudos po sa Zaplan family.

Samantala, nang makahuntahan naman namin ang magandang prinsesa ng Zaplan family na si Janah na about three weeks nang nasa bahay lang, inusisa namin siya kung ano ang reaction niya sa pagsulpot ng Covid 19?

Aniya, “Of course concerned po about the people being affected by it and disappointed by how the national government is handling it.

However, I really much love the bayanihan and help coming from different people and how each city is managing it, specifically Pasig.”

Naiinip ba siya sa nangyayaring lockdown at paano ang daily routine niya para hindi mainip?

“No po, it’s still the same routine as before, kasi lagi lang naman akong nasa bahay,” matipid na sagot ni Janah.

Pumasok ba sa isip niya like kung may message si God sa mga tao, kaya nagkaroon ng ganitong pandemic virus?

“Yeah it did, but it all happened because of how hard it is to survive,” sambit pa ni Janah.

Incidentally, ang latest single ni Janah titled Himbing ay out na sa mga digital platforms at masarap itong pakinggan sa panahon ng quarantine. Ito ay under Star Music at komposisyon ni Brian Lotho.

Leave a comment