
Mindanaoan newbie beats Nora and Jaclyn in best actress race
Tinalo ng Zamboanguena model turned actress na si Laila Olao ang Superstar na si Nora Aunor at 2016 Cannes Best actress na si Jaclyn Jose sa best actress race sa 4th Quezon City International Film Festival na idinaos ang awards night sa QCX Museum kagabi.
Nanalo si Olao sa kanyang makabagbag-damdaming pagganap bilang Satra, isang biyudang naipit ng kaguluhan sa Mindanao sa pelikulang “Women of the Weeping River” ni Sheron Dayoc, Urian award-winning director ng dokumentaryong “The Crescent Rising” at ng mga critically acclaimed films na “Halaw”,“Mientras Su Dormida” at “Angan Angan”.
First time naman nanalo ng Kapamilya actor na si JC De Vera bilang best actor para sa kanyang makatotohanang pagganap bilang isang discreet gay na nakulong dahil sa napagbintangang nagtutulak ng droga sa pelikulang “Best Partee Ever” ni Howard Yambao.
Tinanghal ding best picture sa Circle Competition ang “Women of the Weeping River” at iniuwi din ng amateur actor na si Taha Daranda ang tropeo para sa best supporting actor category para sa naturang pelikula.
Ang Netpac Jury Prize for Best Picture naman ay napanalunan ng “Baboy Halas” ni Bagane Fiola na nagwagi rin ng best artistic contribution for cinematography.
Best director naman si Prime Cruz (“Sleepless”) sa kanyang ikalawang QCinema entry na “Ang Manananggal sa Unit 23B”.
Sa short film category, napiling best short film ang pelikulang “Hondo”ni Aedrian Araojo samantalang ang “Papa’s Shadow” ni Inshallah Montero ang pinagkalooban ng QC Shorts Jury Prize award.
Ito ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi sa 2016 QCinema filmfest.
- Audience Choice Award for Short film – Contestant # 4
- Audience Choice Award for Feature film– Patay na si Hesus
- Gender Sensitivity Award – Patay na si Hesus
- Best Supporting Actress – Vangie Labalan, Ang Manananggal sa Unit 23B
- Best Supporting Actor: Taha Daranda, Women of the Weeping River
- Best Screenplay – Joseph Laban and Denise o’ Hara, Purgatoryo
- Best Artistic Contribution – Cinematography, Baboy Halas
- Best Director – Prime Cruz, Ang Manananggal sa Unit 23B
- Best Actor: JC de Vera, Best. Partee. Ever.
- Best Actress: Laila Ulao, Women of the Weeping River
- Netpac Jury Prize for Best Picture: Baboy Halas
- Circle Competition Best Picture: Women of the Weeping River
- Asian Next Wave Best Film – The Apprentice
- Special Citation Award – By The Time It Gets Dark, Anocha Suwichakornpong
- #QCShorts Jury Prize – Papa’s Shadow
- Best Short Film – Hondo
Ang mga kalahok sa ikaapat na edisyon ng QCinema ay mapapanood pa hanggang sa Oktubre 22.