May 24, 2025
Miss Philippines Earth candidate Roni Meneses advocates for environmental vegetarianism
Latest Articles

Miss Philippines Earth candidate Roni Meneses advocates for environmental vegetarianism

Jun 23, 2021

Isa si Roni Meneses sa tinututukang kandidata sa Miss Philippines Earth na magaganap sa July 25. Bukod kasi sa kanyang angking beauty, siya ay anak ng former PBA star at ngayo’y Bulakan, Bulacan mayor na si Vergel Meneses.

Bago sumabak sa beauty pageant na ito, si Roni ay naging Miss Mandaluyong 2020 muna.

Nabanggit niya ang mga ginagawang preparasyon para sa beauty pageant na ito.

Lahad ng 26 year old na dalaga, “Well, siyempre mayroon po akong physical preparation. Siyempre kailangan na magpaganda ng katawan dahil mayroon tayong swimsuit competition, di ba? Kaya dapat na paghandaan po iyon.

“Tapos, mas pinaghahandaan ko po mentally din. Because I’m pretty sure na magiging mahirap din po ang mga itatanong sa amin regarding different issues po sa environment.

“So, talagang nag-aaral ako ngayon, I’m educating myself and I’m making sure na mapa-practice ko rin po yung mga gusto kong maibahagi pagdating sa competition po.”

Si Roni ay nagtapos ng BS Clothing Technology sa UP Diliman. Isinusulong niya bilang adbokasiya ang environmental vegetarianism.

Sino ang iniidolo niyang beauty queen?

Tugon ni Roni, “Actually, ang iniidolo ko rin po ay si Karen Ibasco, winner din po siya ng Miss Earth. Isa po siya sa talagang naging inspiration ko po, kasi, sobrang natuwa po ako sa naging answer niya noong Miss Earth po and I really like how intelligent she is and talagang she walk the talk po.”

Bakit Miss Earth ang pinili niyang salihan?

Aniya, “Kaya po Miss Earth ang sinalihan kong pageant ay dahil talagang sobrang nagustuhan ko po kasi ang kanilang advocacy at iyong mission ng Miss Philippines Earth na gusto talaga nilang i-encourage ang lahat ng tao na pangalagaan ang kalikasan and that’s somethnhg that I really want to do as well.

“I care about nature and our environment. So, naisip ko po na kapag sumali ako sa Miss Philippines Earth, mas magandang platform po ito para mai-share ko po ang advocacy ko at makatulong din po.”

Ang apelyido niya na isang Meneses, 

nakakatulong ba sa beauty pageant na ito?

Tumawa muna si Roni, bago sumagot, “Siguro nakakatulong din po siya na makakuha ng supporters. Kasi, siyempre iyon pong mga supporter ng tatay ko, sinusuportahan din nila ako. So, may tulong din po, may tulong din,” nakangiting saad pa niya.

Na-try ba niyang maglaro ng basketball noon?

Kuwento niya, “Noong high school po sinubukan ko, sumali po ako sa varsity team po ng Poveda. Pero saglit lang po ako, tapos ay nag-quit din po ako, eh. Parang hindi talaga siya para sa akin.”

Nabanggit din ng dalaga na suportado siya ng amang si Vergel sa pagsabak sa beauty pageant na ito.

“Buong-buo ang suportang ibinibigay niya sa akin. Araw-araw inaalam niya kung ano ang mga ginagawa at gagawin ko. Nagtatanong din siya kung paano siya makatutulong sa akin.”

Paano ba maging anak ng isang vergel Meneses na mayor ngayon at dating PBA star?

“Normal lang naman po, hindi naman po mahirap. Siguro may kaunting pressure lang, dahil siyempre kilala po si papa at very successful.

“Pero I think, good kind of pressure naman po iyon. Mas namo-motivate po kasi ako na galingan ko sa mga bagay na ginagawa ko,” nakangiting pakli pa ni Roni.

Leave a comment