May 24, 2025
Miss Philippines’ Pia Wurtzbach wins Miss Universe 2015!
Home Page Slider Latest Articles

Miss Philippines’ Pia Wurtzbach wins Miss Universe 2015!

Dec 21, 2015

by PSR News Bureau

pia wurztbach 2jpgHindi nabigo ang mga supporters ni Miss Universe Philippines na si Pia Wurtzbach dahil simula nang mapabilang ang Filipino-German sa Top 3 contestants na nakapasok sa final rounds ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng suporta para sa kanya online. Sa question and answer portion, natanong si Pia kung naniniwala itong dapat na magkaroon ng military base ang Estados Unidos sa Pilipinas. Ito ang isinagot ni Wurtzbach: “I think that the US and the Philippines have a good relationship with each other. We’ve been colonized by the Americans and we have their culture. Philippines is very welcoming with the Americans and I don’t see any problem with that at all.”

Sa kabila ng ilang major boo-boos at kamalian ng host ng nasabing coronation night, idineklara na winner ang kinatawan ng Pilipinas na si Pia. Nagkaroon kasi ng confusion pagkatapos magkamali ang host na si Steve Harvey at ianunsiyo na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang nanalo bilang Miss Universe. Kaagad na humingi ng tawad si Harvey sa maling pagbasa ng mga naging resulta. Kaya naman si Miss Universe 2014 na si Paulina Vega ay nakatayo roon na hindi malaman kung kanino niya ililipat ang kanyang korona, kung kay Pia o Ariadna. Ilang sandal rin bago niya natanggal sa ulo ni Ariadna ang nasabing korona at inilipat sa tamang nagmamayari nito na si Pia.

Matapos ng mga pagkakamali ay eleganteng naglakad si Pia bilang final walk na makikita at mapapanood sa opisyal na Miss Universe account sa Twitter.

Si Pia ang ikatlong Filipina na nagkamit ng nasabing korona matapos makuha ito nina Gloria Diaz at Margarita Moran apat na dekada na ang nakakaraan. Si Pia ang hinirang na 64th Miss Universe. Matatandaang tinupad ni Pia ang kanyang pangako sa tweet niya nang panahong natalo si Pacquiao ni Mayweather. Sabi ni Pia noon sa kanyang tweet: “Babawi tayo sa Miss Universe. Akon’g bahala guys.” Nakatikim rin siya ng batikos noon ng ilang bashers na tipong mayabang daw si Pia nang wala pang napapatunayn. Now, Pia had proven herself right.

pia wurztbach 1jpgNaganap ang Miss Universe coronation night noong Linggo, December 20 [Lunes, December 21, Manila time] sa Planet Hollywood sa Las Vegas. Ang nasabing palabas ay hosted by Emmy Award-winning TV personality and comedian Steve Harvey at ng aktres na si Roselyn Sanchez. Ilan sa naging panel of judges at sina Emmitt Smith, Niecy Nash, Olivia Culpo at Perez Hilton.

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), Congratulations Miss Universe 201 Pia Wurtzbach! We’re so proud of you!

Leave a comment

Leave a Reply