May 24, 2025
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach admits mixed emotions after winning the crown
Home Page Slider Latest Articles

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach admits mixed emotions after winning the crown

Dec 22, 2015

by PSR News Bureau

Pia Wurtzbach 1Hindi maitago ang kaligayahan sa mukha ng newly crowned Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach matapos siyang tanghalin bilang bagong Miss Universe. Nagsalita na rin si Pia kaugnay ng malaking pagkakamaling nangyari nang inanunsiyo ang tunay na nagwagi sa nasabing beauty pageant sa Las Vegas, Nevada nitong Lunes ng umaga sa Pilipinas, December 21.

Matatandaang nagkamali kasi ang host na si Steve Harvey nang ianunsiyo nito na ang nanalo sa patimpalak ay si Miss Colombia (Ariadna Gutierrez). Subalit makalipas ang ilang sandal ay kaagad naman niya itong itinama at sinabing ang Philippines ang siyang tunay na nanalo ng korona at si Miss Colombia ay ang 1st runner-up.

Pia Wurtzbach 2Matapos ang post-pageant interview, humarap si Pia sa international press para sa kanyang kauna-unahang interview bilang Miss Universe. Dito sinabi ni Pia na magkahalo ang kanyang nararamdamang emosyon dahil noong umpisa ay buong akala niya na hindi niya nasungkit ang pinakaaasam na korona. “Actually, the two emotions that I’m feeling right now is joy that I won, but also concern for Ariadna. That’s why it was a little bit of a confusion for me and didn’t know exactly how to express myself onstage,” paliwanag ni Pia sa isang reporter.

Humingi rin ng paumanhin si Pia sa nangyaring kalituhan pero nilinaw ng beauty queen na hindi niya inagaw ang korona kay Ariadna. “With what happened, again, I’m very sorry. I did not take the crown from her. I wish her well with whatever she wants to pursue after the pageant.”

Pia Wurtzbach 3Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin halos makapaniwala si Pia na siya nga ang 64th Miss Universe titleholder. Matapos nga ang 40 dekada ay muling napasakamay ng Pilipinas ang nasabing prestihiyosong korona. “Everything is still sinking in. I actually asked for a mirror backstage because I wanted to see it [crown] for myself,” aniya.

“It’s a different feeling, having the crown on my head and actually seeing myself in the mirror. Wearing it, that’s when I know it actually happened. This whole thing isn’t just a dream!”
“I can’t wait to go home and share this victory with my fellow Filipinos and my relatives and friends back home. It’s all surreal. I can’t wait to bring home the crown and I’m finally gonna be able to do that. I’m so happy.”

Leave a comment

Leave a Reply