
Miss Universe Pia Wurtzbach dreams on becoming a James Bond leading lady
by PSR News Bureau
Sa pagsisimula ng kanyang tungkulin bilang isang Miss Universe, kaliwa’t kanan ang kanyang pagdalo sa iab’t-ibang media circuit upang siya ay makilala sa Amerika. Sa isang bahagi ng naging panayam sa kanya sa Good Morning America, sinabi ni Pia na excited na siya sa kanyang mga tungkulin bilang isang Miss Universe. “I’m excited. I can’t wait to officially start my reign.”
Dito’y ipinaliwanag rin niya kung gaano kahalaga ang kanyang pagkapanalo sa Miss Universe para sa bansang Pilipinas. “Winning as Miss Universe in my country is a big deal. It has been 42 years since we last won, so everybody has been anticipating to finally get the crown, and we finally did it.”
Marami rin ang nagulat nang sabihin ni Pia na pangarap nitong maging leading lady sa isang James Bond movie. Aniya, “That’s one of my dreams. Hopefully, I would be able to do that.” Pero siyempre, kailangan muna niyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang beauty queen with a heart. Ilan sa mga binabalak na proyekto ni Pia ay ang pagpapahayag ng HIV awareness, advocacy against cyberbullying at tungkol sa pagtulong sa relief operation sa mga lugar na sinalanta ng bagyo sa Pilipinas.
Nabanggit rin ni Pia na wala daw siyang special someone. Hindi naman daw ipinagbabawal during her reign ang magkaroon ng boyfriend. Nagtataka nga daw siya kung bakit wala siyang kahit isang manliligaw. Pero ayos lang naman daw at wala naman pa kasi siyang panahon para sa pag-ibig. Sigurado ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na sa muling pagbabalik ni Pia sa bansa ay hindi imposible na maungkat ang naging espesyal na pagtingin sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino.
Matatandaang minsan na silang napabalitang nag-date ngunit naunsiyami yata ang anumang namagitan sa kanila ng pangulo noong panahong iyon. Malaya pa rin naman silang parehas ngayon kaya’t baka muling suyuin siya ng pangulo sa kanyang pagbabalik. Ang hindi lang natin alam ay kung kailan muling makakauwi ng bansa ang beauty queen. Mukhang malabo pa nga itong makarating sa nalalapit na kasal ng kanyang best friend na si Pauleen Luna sa beteranong komedyanteng si Vic Sotto. Okay lang naman daw at naiintindihan ni Pauleen at Vic kung sakaling hindi makarating at makadalo si Pia dahil matagal nang pinangarap ni Pia ang maging Miss Universe.