
Miss Universe Pia Wurtzbach have offers to do newscasting job in the US
by PSR News Bureau
Ibang level na talaga si Miss Unvierse 2015 Pia Wurtzbach. Overwhelming experience para kay Pia ang pagwe-welcome sa kanya ng ating mga kababayan saan man dako siya magpunta sa kanyang isang linggong pagbisita sa kanyang bansa matapos siyang manalo at koronahan bilang isang Miss Universe.
Matalino rin talaga si Pia at magaganda ang kanyang mga inuumpisahang proyekto. Nandiyang dumalaw ito sa mga nasugatang sundalo ng bansa na nasa ospital at kasalukuyang nagpapagamot. Hangad daw ni Pia na patuloy magbigay ng inspirasyon sa mga ito. Ayon sa mga AFP staff na nakasaksi sa ginawang pagdalaw ni Pia sa kanila, hindi daw nagmamadali ang beauty queen at talagang nagtiyaga ito na isa-isahin ang bawa’t sundalong sugatan. Naging abala rin siya sa mga nagpapa-picture taking sa kanya at kahit halata mong pagod ay pinagbigyan niya lahat sila na makamayan siya at magpa-photo opp.
Nakipagpulong rin sa isang closed door meeting si Pia sa mga HIV-positive patients at nagpahayag ito ng kagustuhang makapag-raise ng funds para mas makatulnog ito sa kanila sa pagpapalaganap ng adbokasiya niya para sa HIV awareness sa buong mundo.
Nagkaroon rin si Pia ng kaunting pagkakataon upang muling makabalik sa kanyang home network, ang ABS-CBN kung saan din siya nakatapos ng kanyang high school iva ABS-CBN’s Distance Learning Education dati noong siya ay mas kilala pa sa pangalang Pia Romero [dati niyang ginagamit na screen name]. Naiyak nga si Pia nang balikan niya ang kanyang mga alaala sa nasabing network. Aniya, “Lahat ng sulok ng ABS-CBN, may special spot sa akin dahil malaking bahagi ng pagkatao ko ang nabuo sa bawat haligi ng building na ito.”
Bukod dito’y mayroon pang offers kay Pia upang maging newscaster sa America pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe. Isasalang nga siya kaagad sa buwan ng Pebrero kung saan binigyan siya ng spot segment sa makasaysayang Super Bowl games sa Amerika. Excited na nga si Pia sa kanyang susunod na mga tungkulin at proyekto. “This is something that I only used to dream about. Everything still seemd surreal, but it’s all happening!,” bulalas niya. Pia will take advantage of all the opportunities coming her way. “Lahat sila magiging learning experiences sa akin, lahat stepping stones ko. So I can’t wait!,” dagdag pa niya.
Sa kanyang pag-uwi, nagkita na rind aw sila ng kanyang best friend na si Pauleen luna na bride-to-be ni Vic Sotto. Nakilala na rind aw niya ng personal si Bossing Vic. Ang mensahe ni Pia kay Vic ay ito: “Please take care of my best friend. She looks strong but she has a fragile heart.”
Sa Sabado, January 30, nakatakdang ikasal si Pauleen kay Vic at isa si Pia sa magiging abay nila. Isa rin si Pauleen sa mga dahilan ng pag-uwi sa Pilipinas ni Pia.
Sa isang linggong homecoming na ibinigay sa kanya ng Miss Universe organizers, pilit na pinagkakasya ni Pia ang lahat ng kanyang pwedeng gawin at taong mga gusto niyang makita. Oras na makabalik na siya sa New York City, mas marami pa siyang kailangang gawin at proyektong uumpisahan.
Ang mga Pilipino naman, sa kanyang pagdating, ramdam na ramdam ang #PiaFever. Mas dumami ang humahanga sa ating Miss Universe na kilala bilang confidently beautiful with a heart na siyang palagi niyang pinapatunayan sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan at taong nakikilala. Mabuhay ka, Pia Alonzo Wurtzbach!